Pumunta sa nilalaman

Wikang SMS

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Wikang SMS, Halimbawa ng wikang SMS; pinapaikli ang "we are" sa "we r"

Ang wikang SMS o textese (kilala rin bilang SMS language, txt-speak, txtese, chatspeak, txtspk, txtk, txto, texting language, txt lingo, SMSish, o txt talk) ay isang katawagan na tumutukoy sa mga pagdadaglat at salitang balbal na karaniwang ginagamit para sa kinakailangang kaigsian ng mobile phone text messaging, lalong lalo na sa laganap na SMS (short message service) communication protocol. Ang wikang SMS ay karaniwan rin sa Internet, maging sa e-mail at sa instant messaging. Maaari itong ihalintulad sa ribes na gumagamit ng mga imahe at mga letra at numero upang kumatawan sa mga buong salita o diwa (hal. “i <3 u” na gumagamit sa piktograma na hugis puso, at ang letrang u na pumapalit sa salitang Ingles you).

Para sa mga salitang walang karaniwang daglat, mas karaniwang tinatanggal ang mga patinig at ang mambabasa ay inaasahang pakahulugan ang mensahe sa pamamagitan ng pagdadagdag muli ng mga patinig (hal. Ang salitang Ingles na dictionary ay nagiging dctnry at ang salitang keyboard nagiging kybrd). Kinakailangang pakahulugan ng mambabasa ang mga dinaglat na salita base sa konteksto ng pagkakagamit ng mga salita, sapagkat maraming ehemplo ng mga salita at parirala na gumagamit ng pareparehong daglat (hal. lol ay maaring mangahulugan na laugh out loud o lots of love, at ang cryn ay maaaring mangahuluhang crayon o crying). Samakatwid, kung mayroon mang magsasabi ng ttyl, lol, marahil ay talk to you later, lots of love at hindi talk to you later, laugh out loud ang ibig niyang sabihin. At kung may magsasabi mang omg, lol marahil ay oh my god, laugh out loud at hindi oh my god, lots of love ang nais niyang ipahiwatig. Ang onw ay nangangahulugang oh no way! at wala nang iba pa. Ang konteksto ay ang susi sa pagpapakahulugan ng textese. Ito ang pangunahing dahilan ng pagtutol ng mga kritiko sa paggamit ng textese. Ang wikang SMS ay hindi laging sumusunod sa mga patakaran ng gramatika at karaniwan ang mga salita ay hindi nahahanap sa mga diksyunaryo o kinikilala ng mga iskolar.

Ang pagdating ng predictive text at mga smartphone na may mga QWERTY na keyboard ay maaaring magresulta ng pagbaba ng paggamit ng wikang SMS. Ang obhektibo ng wikang SMS ay ang paggamit ng pinakakonting bilang ng mga karakter na kinakailangan upang maparating ang isang mensaheng may diwa. Maraming mga kompanyang telekomunikasyo ay maroong mga limitadong karakter ng SMS. Isa pang benepisyo ng wikang SMS ay ang pagpapaliit ng bilang na karakter ng isang mensahe, kaya naman ang pagbabantas at gramatika ay madalas na hindi binibigyan ng pansin.

Ang wikang SMS ay maihahalintulad sa pagpapadala ng telegrama kung saan ang bawat salita ay binabayaran. Ang mga taong nais na magtipid ay nagsimulang iklian ang kanilang mga mensahe nang mas maliit ang kanilang babayaran.

Ang wikang SMS ay nagmula sa Ingles. Nagbabawas ito ng mga numero at letra upang makabuo ng maigsi at makahulugan na mga salita at parirala. Ang inbensyon ng mensaheng pang-teleponong selular ay maaaring itiuring na pinagmulan ng wikang SMS. Subalit, ang eliptikal na estilo ng pagsusulat ay maari pang balikan sa panahon ng telegraphese kung saan ang mga opereytor ng telegrapiya ay sinasabing gumagamit ng pagdadaglat na katulad nang ginagamit sa wikang SMS upang magpadala ng mga opisyal na mga mensahe 120 taon na ang nakalilipas. Walang kinikilalang patakaran sa pagsusulat ng wikang SMS, at maraming mga salita ang maaaring paikliin tulad ng text na maaring isulat sa wikang SMS bilang txt. May mga salita ring pinagsasama sa mga numero para mas maging maiksi, tulad ng later na pwedeng isulat bilang l8r, gamit ng numerong "8" dahil sa ponetikong pagbigkas nito. Layunin ng textese na gumamit ng pinakakonting bilang ng letra at numero na posible. Kaya naman nakatutulong ito tuwing may nalilimitahan sa espasyo sa mensaheng text at gamit rin ng textese mas kakaunti ang pinapasok ng nagpapadala. Bilang resulta, mas napapadali ang komunikasyon kung ikukumpara sa hindi paggamit ng mga shortcut.

Ito ay tulad ng Internet slang at Telex speak at ngayon ay ginagamit na rin sa mga Internet chat room dahil sa maliit na bilang ng karakter na maaring gamitin rito (ang mga sinaunang SMS ay may limitasyon ng 160 na karakter at may mga carrier na nagsisingil ng bayad batay sa bilang ng karakter na nagamit). Ito ay rin ay kombenyente lalong lalo na sa mga maliliit na mga keyboard sa mga teleponong selular.

Mga negatibong puna

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Welsh na periyodista at tagapagbalita na si John Humphrys ay isa mga mga pumupuna sa wikang SMS. Ayon pa sa kanya ito ay nakakasira sa sariling wika. Minsan nang binanggit ni Humphrys iilang hindi maliwanag na mga ehemplo ng wikang SMS tulad ng lol na maaaring mangahulugang laughing out loud, lots of love, o little old lady depende sa konteksto ng pagkakagamit. Inilarawan ni Humphrys ang mga emoticon at textese bilang nakakairita, nagpapakita ng katamaran at nagpapalaganap ng pabayang nakagawian kaya magpapalala lamang ito sa kamangmangan ng mga batang mag-aaral sa tamang gramatika at pagbabantas.

Si David Crystal naman ay mariing sumasalungat sa mga paratang na ang wikang SMS ay may nakakasirang epekto sa wika sa marami niyang mga pag-aaral. Ang kanyang mga natuklasan ay nakabuod sa kanyang libro na Txting : the Gr8 Db8. Sa kabila ng kanyang pananaliksik, ang popular na nosyon pa rin ay nagpapatuloy ang pagkasira sa pag-unlad ng wika sa kasalukuyang panahon.

Dalas ng paggamit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa isang pag-aaral sa Amerika, nadiskubre na mas mababa sa 20% ng mga mensahe ang gumgamit sa wikang SMS. Sa pagtingin sa sariling kasaysyan ng pag-text, natagpuan ng may-akda ng pag-aaral, si David Crystal, na isang dalubhasa ng wika, na 10% lamang ng kanyang mga mensahe ay gumgamit ng wikang SMS.


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • 16 Agosto 2002: “Examiner's warning over exams culture”. BBC. (sa Ingles)
  • 4 March 2003: “Is txt mightier than the word?”. BBC. (sa Ingles)
  • Nobyembre 2006: The New Zealand Qualifications Authority discourages the use of text abbreviations after suggesting that they may be used in certain subjects provided they clearly show the required understanding. NZQA Press statement (Sa Ingles)