Wikipedia:Mga panuntunan sa pagtatala ng bagong balita
Itsura
(Idinirekta mula sa Wikipedia:Balita)
Ito ang mga paunang gabay at panuntunan sa pagtatala ng mga bagong balita na napapabilang sa Mga Kasalukuyang Kaganapan ng Unang Pahina:
Mga panuntunan sa pagtatala ng bagong balita
[baguhin ang wikitext]Bago magtala, maaari lang pong alamin muna ang mga sumusunod na panuntunan:
- Pakisulat ang mga balita sa pangkasalukuyang anyo. Iwasan ang pagkopya lamang ng mga paulo o pamagat ng mga balita mula sa sangguniang pahayagan o mga websayt. Basahin muna ng buo ang ulat saka kuhanin ang kabuuran ng pahayag. Gumawa ng buod na ginagamit ang sarili mong mga pananalita. Ang buod na ito ang iyong magiging pangungusap na pambalita para sa Mga kasalukuyang pangyayari sa Unang Pahina. Karaniwang nakukuha ang kabuuran ng nilalaman ng ulat mula sa una hanggang dalawang talataan ng balitang binabasa. Sa madaling sabi, istilong pangungusap ang dapat (hindi parang mga ulo ng balita o headline).
- Narito ang ilang pamamatnubay o gabay para sa pagbubuo ng mga pangungusap na pangkasalukuyang kaganapan:
- Itanong sa sarili kung ano ba ang pinakamahahalagang balita sa isang araw. Pumili ng 1, 2 o 3 lamang. Huwag lahat tungkol sa Pilipinas, kasi ang Wikipedia ay isang ensiklopedya nga. Maaaring gumawa ng isa para sa Pilipinas, at yung ibang 2 para sa ibang bansa o pook. Itanong din sa sarili mo kung:
- Ano/Sino ba ang paksa?
- Sino ba ang mga tauhan sa balita? Sino ang mga pangunahing bida?
- Ano ang dahilan bakit nabalita ang mga tauhan/paksa?
- Bakit nangyari ang balita?
- Ano ang naging resulta ng balita?
- Kailan ba ito naganap?
- Hindi baleng mahaba ang pangungusap basta kumpleto ang paglalahad ng diwa; para bang sa pamukaw tanong ng Alam Ba Ninyo? pero hindi patanong at mas mahaba ng bahagya para kahit hindi silipin ng mambabasa ang pinagmulan ng balita, nababatid nila kung ano 'yun o tungkol saan ang balita. Kung magagawan ng pahinang makakawingan (lalo kung wala pa), maaari rin itong gawin. Kung maaari kasabayan ng pagtatala ng bagong balita o sa lalong madaling panahon.
- Itala lamang ang mga balita na may sanggunian. Ang mga balita na walang link na panlabas ay dapat tanggalin.
- Ang balita ay dapat isulat sa Tagalog, maliban lang kung ang mga salita ay walang katumbas. Ingles dapat ang gamitin sa mga ganung salita.
- Para sa bawat paksa ng balita, pakilagyan ng kawing patungo sa artikulong nakasulat na sa loob ng Wikipedia. Kung wala pa, kailangan magawaan po ito.
- Itala ang mga kaarawan o kamatayan ng mga kilalang tao sa nararapat na kahon.
- Huwag pong gumawa ng mga link sa mga websayt na binabayaran.
- Huwag po gumamit ng kawing na pambalita mula sa Yahoo! dahil madali silang palitan.
- Kailangan may larawan (mula sa commons; sukat: 100px; ilagay sa kanang itaas na bahagi) ang isang paksang balita, kung maaari para sa mas bagong talang balita. Ituro sa larawan ang linyang naglalarawan sa paksa sa pamamagitan ng paglalagay ng nakalarawan o nasa larawan (kung ano ang naaangkop), pagkaraan ng paksa.
- Dapat na sumasakop ang mga paksa ng balita mula sa buong mundo o/at may kaugnayan sa mga Pilipino at Pilipinas (dahil lamang tinatayang mga Pilipino o may-lahing Pilipino ang unang mga babasa).
- Panatalihing hanggang sa lima lamang ang mga pangkat ng bagong balita upang mapanatili o katanggap-tanggap ang pagkakapantay-pantay at pagkakaayos ng mga kahong nasa Unang Pahina. Ito ay kung maiikli ang lahat ng mga pangungusap o talataan para sa bawat paksa. Subalit kung mahahaba, sipatin at iayon ang bilang ng paksa at talata sa magiging ayos at itsura ng kahong pambalita, kaugnay ng iba pang mga kapantay na kahong pangkaalaman. Magbawas ng mga pinakalumang balita kung kailangan para maisagawa ang pagpapantay na ito.
- Dito sa Suleras:Unang Pahina/Balita idinaragdag ang aktuwal na mga balita para lumitaw sa Unang Pahina. Bukod pa ito sa nailagay mo na sa Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari. Kaya, tandaan po lamang na dalawa ang pinaglalagyan ng mga bagong ambag na pangungusap na pambalita, at dapat lamang pong magkapareho ang mga ito palagi.
- Pagkatapos na masigurong pareho ang nilalaman ng Suleras:Unang Pahina/Balita at ng Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari pindutin ang buton na nagsasabing Sariwain na nasa Unang Pahina. Ito ang magpapalitaw ng mga bagong balita sa Unang Pahina.
- Huwag kalimutang magdagdag ng kategorya. Ito lamang ang dapat na kategorya na iyong idadagdag:
- [[Kategorya:2024 ayon sa araw]]
Paano magdagdag ng bagong araw
[baguhin ang wikitext]- Sa Wikipedia:kasalukuyang pangyayari, kung wala pang nakapasok sa araw na iyong nais dagdagan, pindutin lamang ang magdagdag? na link ng araw na iyon. Ang halimbawa ng link na iyong pipindutin ay parang ganito ang itsura:
- Kung wala kang makitang link na magdagdag? sa araw na nais mong magdagdag ng balita. Pindutin lamang ang baguhin na link na matatagpuan sa kanang itaas na bahagi ng kahon ng araw na nais mong magdagdag ng balita.
- Kapag nagawa mong pindutin ang magdagdag? o baguhin, maari ka ng magsimula magdagdag na balita ayon sa patakaran na nakasaad sa nakaraang seksyon ng pahinang ito.
- Pagkatapos mong magdagdag ng balita, pindutin ang buton na "Ilathala ang binago" para mailathala ng iyong balitang dinagdag.
Mga mapagkukunan ng mga bagong balita
[baguhin ang wikitext]Maaaring humanap ng mga bagong balita sa mga sumusunod na kawing. Mga mungkahi lamang ang mga ito. Nakahanay sila ayon sa alpabeto at may katabing ginagamit na daglat dito sa Wikipedia. Maaaring magdagdag ng mga maimumungkahing iba pang mainam na mapaghahanguan ng mga balita, partikular na ang nasa wikang Tagalog.
Nasa mga wikang Tagalog at Filipino
[baguhin ang wikitext]Paunawa: may mga halong Ingles ang ilan, kaya't dapat pong Tagalugin:
- Abante.com (ABA)
- Abante-Tonite.com (ABT)
- ABS-CBN News.com Bandila (ABSB)
- China Radio International, CRI-Online Filipino (CRI)
- GMANews/Balitang Pinoy, GMANews.tv (GMN-BP)
- Tagalog Times.com, World News Network (TTWN)
- World News Network, WN.com (WN)
- ABS-CBN News.com (ABS)
- Balita Pinoy.net/The Mindanao Cross (BPN)
Maari lang po na bisitahin din ang Wikinews upang bumasa at sumulat ng mga artikulong pambalita. |
- Basta Pinoy News (Florida) (BPNF)
- BBC News (BBC)
- Business World/BWorld.com.ph (BW)
- California Examiner.net (CEN)
- CNN.com (CNN)
- Congress of the Philippines/House of Representatives-Presse Releases, Congress.gov.ph (CPHR)
- Inquirer.net (PDI)
- Filipino Express.com (FE)
- Filipino Reporter.com (FR)
- GMANews.tv (GMA)
- Ilocos Times.com (IT)
- Manila Bulletin.com (MB)
- News.Balita.Ph (NBP)
- Online Balita, (OB)
- Philippine News.com (PN)
- The Philippine Star/PhilStar.com (PS)
- Senate of the Philippines-News, Senate.gov.ph (SPN)
- The Manila Times.net (MT)
- The Sunday Punch/Dagupan.com (SP)
- International News Stories/WorldFocus.org (WF)
Paalala
[baguhin ang wikitext]- Kung hindi sigurado, magtala lamang po ng mensahe sa Wikipedia:Tulong, magpunta sa Wikipedia:Kapihan, o makipag-ugnayan po sa mga tagapangasiwa.