Wikipedia:Kapihan/Archive 4
Bagong mungkahi ng Tagalog Wikinews
[baguhin ang wikitext]Dahil isinarado ang orihinal na mungkahi ng Tagalog Wikinews, isinumite ito muli sa ilalim ng bagong proseso sa paghihiling ng mga bagong proyekto sa ibang wika. Maaari niyong suportahan ang bagong mungkahi dito. --Sky Harbor 15:06, 21 Mayo 2007 (UTC)
Pagboboto sa mga Artikulo ng Ingkorporasyon
[baguhin ang wikitext]Hinihiling ko na sa lahat dito na bumoto para sa pagsang-ayon ng mga Artikulo ng Ingkorporasyon ng Wikimedia Philippines. Maaari kayong bumoto dito. --Sky Harbor 05:01, 31 Mayo 2007 (UTC)
Vandalism
[baguhin ang wikitext]Paano mo ba natin maiiwasan ang mga ganitong kaganapan. Pakitignan ang Panitikan na sinira nina 203.84.172.170 at 203.76.201.224. Maaaring iisang tao lamang sila. Ganun din ang Microecomics na sinira ni 203.84.180.234. Si 58.69.180.48 ay maraming ginawang kabalastugan kagaya ng Kantutan. Maaring bang ma permanently banned yung mga IP nilang ginagamit? -- Ataman 03:15, 13 Hunyo 2007 (UTC)
- Maaring gumagamit lang ang mga ito sa isang cybercafe o sa kanilang paaralan. Kung i-ban ang isa sa mga IP na ito, maaring hindi na rin makagamit o maka-log-in sa Wikipedia ang iba pang manggagamit. Kung mayroon kang makitang bandalismo, maari mong i-rollback ang mga ito. --bluemask 09:43, 14 Hunyo 2007 (UTC)
- Mga administrator lang po ang pwedeng magrollback =(. May suhestiyon ako, tuwing may kasalukuyang panggugulo, maaaring i-protect muna yun page o yun buong tagalog wikipedia pansamantala. Kung nasa cybercafe o paaralan sila eh hintayin na matapos yun oras nang paggamit nila. Maaring tignan kung anong oras sila gumagawa ng panggugulo para makapaghanda. -- Ataman 06:50, 15 Hunyo 2007 (UTC)
- Kahit hindi administrator ay maaring makapag-revert ng mga bandalismo. I-click lamang ang "Kasaysayan" at piliin doon ang huling edisyon na walang bandalismo. I-edit at i-save. Madali lang naman. --bluemask 07:03, 15 Hunyo 2007 (UTC)
- Kahit kung mga tagapangasiwa lamang ang maaaring mag-rollback sa mga pagbabagong kinukunsidera bilang bandalismo, maaari rin itong linisin kapag nakikita mo na baka may halaga ang pagbabagong iyon. Hindi lahat ng bandalismo sa Wikipedia ay naninira ng artikulo. --Sky Harbor 06:07, 16 Hunyo 2007 (UTC)
(resetting indent---hmm, paano ko ba tatagalugin ito? ;) Makikisawsaw lang po :) Karaniwan, ang mga gumagawa ng mga bandalismo mula sa mga anonymous IP address (o yung mga walang sariling account sa WP) ay mga nakikigamit sa isang shared network, kung kaya't hindi malayong magkasama sa isang lugar ang mga vandal at ang mga lehitimong mga nage-edit sa WP. Kung kaya't magandang suriin kung alin sa mga pagbabago ang bandalismo, at kung alin sa mga ito ay galinig sa mga seryosong editor ng WP.
Sa puntong ito, dalawang bagay ang maaring gawin upang makatulong sa pagbababawas ng bandalismo:
- una, kung ang edit ay galing sa isang anon IP na may maayos na edit, kilalanin o i-welcome sila sa kanilang page-edit at hikayatin silang lumikha o gumawa ng sarili nilang account sa WP. Ang kagandahan nito ay kung sakaling ma-ban ang kanilang IP address dahil sa lantarang bandalismo, hindi sila madadamay hangga't sila ay naka-'sign in pa sa kanilang account.
- pangalawa, kung ang edit ay galing sa isang anon IP at malinaw na isang bandalismo, kaagad na ibalik sa dating version ang pahina. Pagkatapos, paalalahanan ang anon IP (sa pamamagitan ng Usapan/Talk Page---meron din nito ang mga anonymous IP editors) na ang WP ay isang seryoso at puspusang proyekto sa pagbubuo ng isang libre at malayang sanggunian (reference) sa Internet, at ang kanilang ginawa ay makasasama sa kabuuan ng pahinanh in-edit. Gayundin, hikayatin din silang gumawa ng sarili nilang account at tumulong sa pagpapaganda at pagpapalawak ng mga pahina sa Tagalog na Wikipedia.
--- Titopao 07:56, 17 Hunyo 2007 (UTC)
- Ang galing! "na-revert" ko ung Talk page ng Pilosopiya! :) hehehe. pwede nga! (although 30 minutes ko atang pinagaralan..hehehe.) Magandang araw po Titopao! uy,baka po malaman ng mga "vandalisers" ung secretong yan,hindi na sila mahuli. :) sa wari ko lang po. salamat! Squalluto 14:21, 17 Hunyo 2007 (UTC)
- Yor welkam ;-) Dito naman sa Wikipedia, lahat ay bukas at walang lihim hangga't nasasapubliko ang lahat ng mga gawa mo. Kaya't malamang sa hindi na rin lihim sa mga vandal ang mahusay na sining ng pagre-revert (astig! ;) Hindi natin kailangang itago sa kanila dahil dapat lang na malaman nilang kung gagawa rin lang sila ng
katarantaduhanbandalismo dito, kayang-kaya rin nating alisin iyon. Kung ikaw ay isang mahusay na editor o kaya'y isang vandal na matigas ang ulo (at paulit-ulit kahit oras-oras na pagsabihan), mahirap itago iyon dahil kitang-kita ng lahat ang mga gawa mo (tip: sa User page ng bawat isa sa atin, may link na "Mga ginawa ng user" sa bandang kaliwa ;) --- Titopao 02:43, 20 Hunyo 2007 (UTC)
- Yor welkam ;-) Dito naman sa Wikipedia, lahat ay bukas at walang lihim hangga't nasasapubliko ang lahat ng mga gawa mo. Kaya't malamang sa hindi na rin lihim sa mga vandal ang mahusay na sining ng pagre-revert (astig! ;) Hindi natin kailangang itago sa kanila dahil dapat lang na malaman nilang kung gagawa rin lang sila ng
- Haha! nakakatuwa...tsaka buti na lang wala pa akong ginagawang kataran*******. :) salamat po. Squalluto 13:02, 22 Hunyo 2007 (UTC)
MGA PANGULO
[baguhin ang wikitext]Magandang araw po! napansin ko po na hindi ata kumpleto ang mga larawan ng ating mga pangulo sa artikulong Pilipinas at Mga Pangulo ng Pilipinas...susubukan ko pong pasukan ito ng mga larawan nila..ngunit hindi ko pa nagagawa un..hehehe...kung sakali pong mali ang aking nagawa pakituruan na lang po ako kung papaano...magtatanong na lang ako uli..hehehe...tapos ung mga larawan galing sa mga postcards...siguro ok na po un? salamat! Squalluto 09:00, 18 Hunyo 2007 (UTC)
- available yata ang mga official portaits ng mga pangulo sa official website of the office of the president. hindi ko alam ang address. kung mag-a-upload ka ng mga larawan mula doon, huwag mong kalimutan na ilagay ang eksaktong URL o address na iyong pinagkunan at ilagay ang mga sumusunod na tags {{non-free 2D art}} at {{PhilippinesGov with fair use}}. --bluemask 09:27, 18 Hunyo 2007 (UTC)
- Maraming salamat po! nakuha ko na po mula sa site(www.op.gov.ph). Ambabata po ng mga larawan dun...pero si gloria pangit talaga..hehehe!..andun din po ung videos nina defensor na "Paglaban sa Kataksilan" :) susubukan ko na pong i-upload at gawin ung mga tags. :) salamat!Squalluto 11:28, 18 Hunyo 2007 (UTC)
- Magandang gabi po uli. Hindi ko po mailagay nang tama ung {{non-free 2D art}} at {{PhilippinesGov with fair use}} tags...ang nangyayari po pahaba siya..kundi man pahalang at parang isang notice for deletion..hehhe...pwede po pasample ung nailagay kong larawan ni Corazon Aquino sa artikulong Kasaysayan ng Pilipinas...ako na po gagawa nung sa iba. salamat..che-check ko ung ibang page kun panu din ginawa...hehehe...Squalluto 11:54, 18 Hunyo 2007 (UTC)
- Haha! hindi ko po sinasadya...nakalimutan ko pong mabigyan ng larawan si Presidente(ahem) Gloria Arroyo...sorry gloria...subconsciously,talagang ayaw pa din matanggap si gloria...:) gawin ko po bukas. salamat.:P Squalluto 15:55, 23 Hunyo 2007 (UTC)
Ukol kay Sergio Osmena
[baguhin ang wikitext]Magandang gabi po! Ilalagay ko na po sana ung larawan ni Sergio Osmena,subalit hindi po ata nakasaad ung kanyang panunungkulan sa artikulong "Kasaysayan ng Pilipinas"...hindi ko po kayang ibuo dahil hindi ko po kabisado ung kwento nya. :P..hehhe...kung sino man po ang nakakaalam sa kanyang impormasyon,paki-edit na lang po ung pahina. Salamat po! Squalluto 13:06, 22 Hunyo 2007 (UTC)
- Mayroon siyang sariling artikulo: Sergio Osmeña. --bluemask 04:06, 23 Hunyo 2007 (UTC)
- hehe..cut & paste po ginawa ko...ok lang po siguro..salamat. Squalluto 05:03, 23 Hunyo 2007 (UTC)
Wikimedia Election Notice
[baguhin ang wikitext]If you are able, please translate this notice to as many possible languages and post it anywhere applicable.
The Wikimedia Election Committee is accepting candidates for the 2007 Wikimedia Foundation Board of Trustees election. Please see [1] for more information.
There is still time for a new candidate to be considered for election, and you may now endorse the candidate of your choice (up to 3 candidates) on the endorsements page, [2]. Please read the instructions carefully prior to endorsing. If you can translate the instructions, please do.
If you have any questions, please contact any member of the election committee, who are listed here [3].
Posted on behalf of the Election Committee,
Philippe
Mga tanong tungkol sa mapa
[baguhin ang wikitext]Ano po ba ang ibig sabihin ng INSULAR?
Ano po ba ang ibig sabihin ng BISINAL?
Salamat po sa mga tulong ninyo.
—Ang komentong ito ay idinagdag ni Cyberbenjie (usapan • kontribusyon) noong {{{2}}}.
- huli na yata ito, ngayon lang ulit ako nag-online pero sana magamit pa kahit papaano.
- ang Insular at Bisinal ay mga salitang ginagamit na pantukoy ng mga lugar sa paraang mas descriptive. Ang insular ay tumutukoy sa lugar o teritoryo na napapaligiran ng tubig (mga isla) kabaligtaran ito ng peninsular. Ang bisinal naman ay tumutukoy sa mga kalapit o kadikit na lugar (mga kapitbahay) para madaling maalala tandaan ang salitang : vicinity.
- hal.: Lokasyon ng Pilipinas
- Insular: Dagat ng Timog Tsina sa Hilaga at Kanluran, Dagat ng Pilipinas (Philippine Sea) sa Silangan at Dagat Celebes sa Timog.
- Bisinal: Taiwan sa Hilaga, Vietnam sa Kanluran, Indonesia, Brunei, Malaysia sa Timog at Guam (nga ba?) sa Silangan. --RebSkii 20:01, 7 Hulyo 2007 (UTC)
(Mga) bagong napiling artikulo
[baguhin ang wikitext]Isinagawa ba ang pagtaas ng artikulong Kasaysayan ng Pilipinas bilang isang napiling artikulo sa tamang paraan? Sa palagay ko, wala pang pinagkaisahan (consensus) sa pagtaas ng artikulong ito ng mga kasapi ng Wikipedia, at hindi nagbigay ang WikiProyekto Pilipinas ng sapat na pahayag sa pagtaas ng artikulong ito. --Sky Harbor 12:36, 24 Hunyo 2007 (UTC)
- Inulit naman ito sa pag-pili ng Abestrus bilang napiling artikulo. Kailangan na natin ng tamang proseso sa pag-nomina sa mga napiling artikulo. --Sky Harbor 15:57, 30 Hunyo 2007 (UTC)
- Magandang Madaling Araw po! Sa tingin ko po hindi pa kailangan ng mabusising proseso dahil hindi pa po tayo "malaki"...parang sa isang bansa,kung maliit pa ang populasyon,hindi pa kailangan ng maraming batas para maging gabay...ngunit nabasa ko sa naisulat na Gabay ng Unang Pahina,hindi raw po pupwede ang isang Stub...ang Abestrus po yata ay isang stub. Salamat po. :) Squalluto 17:48, 1 Hulyo 2007 (UTC)
- Nais ko naman ipaliwanag na kahit kung hindi pa tayo malaki, hindi patas ang paglalagay ng isang artikulo bilang napiling artikulo kapag ito ay ginawa sa paraang unilateral. Dapat ito ay nakakuha ng pinagkaisahan muna bago ito itinaas, kahit kung ito ay ninomina lamang dito. --Sky Harbor 10:29, 2 Hulyo 2007 (UTC)
Ganito na lang. Mag-nominate muna ng artikulo at kung ito ay sasang-ayunan ng iba pang users, saka lamang ito mailalagay sa unang pahina. Ano sa palagay nyo sa suggestion ko? --bluemask 01:43, 3 Hulyo 2007 (UTC)
- Maaari rin gawin iyon. Pero paano ang mga nakaraang pahinang ginawang napiling artikulo sa paraang unilateral? --Sky Harbor 09:24, 3 Hulyo 2007 (UTC)
- I-reset natin ang mga nagdaang napiling artikulo o kaya'y muling i-nominate ang mga ito. Malagay na rin tayo ng mga pamantayan at proseso sa pagpili ng artikulo na ilalagay sa Unang Pahina sa pahinang Wikipedia:Mga napiling artikulo at sang-ayunan ng komunidad. - Jojit fb 09:55, 3 Hulyo 2007 (UTC)
- Hay naku, nakakasawa na. Nagpalit nanaman sa Watawat ng Pilipinas. --Sky Harbor 11:17, 9 Hulyo 2007 (UTC)
- Nagpalit nanaman sa Maynila. Nakakasawa na. Gusto ko ng usapan tungkol sa isyu na ito. --Sky Harbor 13:47, 15 Hulyo 2007 (UTC)
- Hay naku, nakakasawa na. Nagpalit nanaman sa Watawat ng Pilipinas. --Sky Harbor 11:17, 9 Hulyo 2007 (UTC)
- I-reset natin ang mga nagdaang napiling artikulo o kaya'y muling i-nominate ang mga ito. Malagay na rin tayo ng mga pamantayan at proseso sa pagpili ng artikulo na ilalagay sa Unang Pahina sa pahinang Wikipedia:Mga napiling artikulo at sang-ayunan ng komunidad. - Jojit fb 09:55, 3 Hulyo 2007 (UTC)
Ibabalik ko muna sa dati ang mga ito at i-lock habang pinag-uusapan. --bluemask 16:45, 15 Hulyo 2007 (UTC)
- As of the moment, should we vote? Magboboto na ako sa mga nominasyon na nakatala sa ibaba. --Sky Harbor 09:48, 17 Hulyo 2007 (UTC)
Paumanhin at ngayon lang ako nakapagsalita. Wala pa kasing botohan noon kaya naisipan ko na palitan ang Napiling Artikulo. Sang-ayon ako sa panukala ninyong magkaroon ng botohan. Ngunit, kailangan ding magtatag dito ng "Article Creation and Improvement Drive" para masaayos ang mga pahinang may potensyal maging "Napiling Artikulo". - Emir214 11:43, 20 Hulyo 2007 (UTC)
- Okay naman iyon. Mabuti na ipinakilala na masigasig ang iyong pag-aambag sa Wikipedia. Sang-ayon rin ako sa isang Article Creation and Improvement Drive. --Sky Harbor 13:35, 20 Hulyo 2007 (UTC)
Magtataas ako ng isang nominadong artikulo na mayroong sumasang-ayon (o mas marami ang sumasang-ayon) tuwing Sabado, Linggo o Lunes. Para sa linggong ito, itinaas ko na ang Kasaysayan ng Pilipinas. --bluemask 02:35, 21 Hulyo 2007 (UTC)
Tamang-tama ang pag-nomina. Kaarawan ko kasi ngayon. - Emir214 05:38, 21 Hulyo 2007 (UTC)
Itinatag na ang Article Creation and Improvement Drive sa Wikipediang ito. Maaari na kayong sumapi. - Emir214 09:32, 24 Hulyo 2007 (UTC)
Hindi na naman nababago ang "Napiling Artikulo" at "Napiling Larawan". - Emir214 11:20, 13 Setyembre 2007 (UTC)
- Bumoto ako. Hindi ko alam bakit hindi pa pinapalit. --Sky Harbor 12:28, 13 Setyembre 2007 (UTC)
- Maaari ko bang ilipat ang mga nominasyon sa Napiling Artikulo at Larawan dito? - Emir214 11:01, 21 Setyembre 2007 (UTC)
- Nilipat na. - Emir214 13:08, 22 Setyembre 2007 (UTC)
- Kadalasan, ito ang sitwasyon na sinasabi ko na Never do things unilaterally (Huwag gumawa ng anuman nang nag-iisa). Dapat lahat ay dinadaanan sa usapan. Dapat rin hatiin ang pahina dahil datap may ibang pahina para sa napiling larawan. Sa wakas, hindi dapat naka-malaking titik ang Napiling Artikulo at Napiling Larawan ayon sa kaugnay nitong pahina sa Ingles. --Sky Harbor 13:39, 22 Setyembre 2007 (UTC)
Clip Art Pics
[baguhin ang wikitext]Maganda araw! Maaari po bang magUpload ng mga ClipArt? hehe...libre po naman ata un?.. Eh ung mga sariling kuha ko po sa mga tanawin natin sa Pilipinas tulad nang sa Bohol,Cebu,Tarlac,Negros at Pampanga,maaari po bang ilagay sa kani-kanilang mga pahina? :) Salamat po. :)Squalluto 17:48, 1 Hulyo 2007 (UTC)
- Oo, syempre. Basta't ikaw ang may-ari. Pwede kang mag-upload dito, or pwede ding mag-upload sa commons.wikimedia.org. Salamat sa tulong mo! Isa lalaki 09:30, 9 Hulyo 2007 (UTC)
- Salamat po. upload ko next time...medyo nagBusy..hehe..Squalluto 09:57, 9 Hulyo 2007 (UTC)
Mga pagbabago sa interface
[baguhin ang wikitext]Nais kong magbigay ng suhestiyon sa kasalukuyang pagsasalin ng interface sa Tagalog. Nais kong magmungkahi ng mga bagong salin:
- Upload file: Mag-sumite ng salansan o Magpakarga ng salansan (ayon sa KWF, ang "karga" sa paraang teknikal ay maaaring gamiting bilang "redirect")
- Redirecting from...: Ikinakarga mula sa...
Sana ito ay magiging paksa ng mabungang usapan. Maraming bahagi ng interface ay hindi pa isinalin sa Tagalog. --Sky Harbor 11:20, 5 Hulyo 2007 (UTC)
- nais ko ring ibahagi na maaari rin sigurong gawing "natatanging pahina" sa "mga espesyal na pahina" ito siguro ang tamang salin. --Mananaliksik 14:21, 7 Hulyo 2007 (UTC)
- Pinalitan ko ng payl ang file ngunit binalik ulit ni Bluemask sa file. Binase ko yung payl sa Cebuano Wikipedia. Marahil mas madaling unawain ang file kaysa payl o sa salansan. Kasi kung ordinaryong internet user, magtataka siya kung ano 'yung salansan. Sa tingin ko, kung gusto nating iwasan ang salitang Ingles, mainam na 'yung payl kaysa salansan at ginamit ang payl sa Cebuano Wikipedia. - Jojit fb 05:23, 9 Hulyo 2007 (UTC)
- Sana rin ang 'mag-log-in at mag-log-out ay maging Pumasok at Lumabas. --Sky Harbor 16:50, 7 Hulyo 2007 (UTC)
- Sa tingin ko po tama lang po ung "file" kaysa "payl" at "salansan". Dapat po siguro gamitin na lamang po ung pinakamabilis na marehistro ng utak ng tao...kunwari ung "file", kapag "payl" ang gagamitin,hindi lahat ng tao gumagamit ng diretsong salin ng baybay kaya hindi nila makukuha agad ang ibig sabihin,baka kailangan pa ng utak nilang alamin ung spelling ng "payl" sa salitang inggles...baka "tambak" pala, "pile".....ung salansan,masyadong malalim para sa karaniwang Pilipino sa kasalukuyan...hehehe. :) Ukol naman sa "log-in" at "log-out", siguro tama na ung mag-log-in at out kasi technical ang mga salitang pang-computer, kapag gagamitin ang "pumasok ka muna" parang pangit pakinggan o kaya "lumabas ka na"...hindi ko rin gusto.....sa tingin ko po kapag technical,kasama na ang "interface"(palitan ng mukha? hehe.) na salita masmainam na iwanan na lamang sa baybay ng inggles,hintayin na lamang natin magdevelop sa labas ng internet ung salitang karapat-dapat na salin. :) Kuro-kuro lamang po...salamat! Squalluto 10:12, 9 Hulyo 2007 (UTC)
- Hindi na Tagalog Wikipedia ito kung ganuon. --Filipinayzd 10:52, 5 Agosto 2007 (UTC)
- Likas sa wikang Tagalog ang paglilikha ng mga salita. Lumikha na lamang sa halip na gamitin ang Ingles na katawagan na magpapamukhang mala-Taglish sa proyektong ito. --Filipinayzd 13:39, 5 Agosto 2007 (UTC)
- Nais kong ipahiwatig na ang salitang salansan ay purong Tagalog (ito ay nasa diksyonaryong English, isa sa mga pinakamakakatiwalaang diksyonaryo ng Tagalog sa Pilipinas). Pero, mula rin sa diksyonaryong iyon ay nakita ko ang salin ng "random". Kaya nais kong magbigay ng suhestiyon sa pagbago ng Mag-iba ng pahina ("change page"): Pahinang walang-pili ("random page"). --Sky Harbor 10:36, 6 Agosto 2007 (UTC)
- Magandang gabi po sky harbor! ayus lang sa akin ung "salansan",ngunit di po kaya ang "file" na tinutukoy ni English ay mga papeles? un bang halimbawa, "salansan ng mga empleyado"...pasensya na po,wala po sa akin ang Leo English dictionary ko ngayon. :)...di po kaya iba na ang gamit kung "file" ng computer ang pag-uusapan? pero po ung "random page" na "Pahinang walang-pili" siguro masmainam po na "hindi piniling pahina" kung purong tagalog ang gagamitin. :) ..ngunit para sa akin po masmainam po na iwan na lamang natin ang mga salitang teknikal sa orihinal na baybay. :) Salamat po! Squalluto 13:08, 6 Agosto 2007 (UTC)
Sinalin ko ang file bilang "talaksan" na batay sa salin ng Debian/GNU Linux Tagalog/Filipino Translation Team na nagsalin ng mga katagang pang-kompyuter para sa Debian GNU Linux. Para sa sanggunian tingnan ang mga link na ito: [4] at [5]. Binanggit din sa isang online dictionary ang talaksan. [6]. Ngunit nilagay ko rin ang salitang file sa loob ng panaklong upang madaling maunawaan ang "talaksan". Para sa iba ninyong mungkahi sa pagbabago sa interface, isasaliksik ko pa o maari ninyo ring kayong magsaliksik at magbigay ng sanggunian. --Jojit fb 06:14, 14 Setyembre 2007 (UTC)
- Ayon sa dalawang diksyonaryong kilala (English at Sagalongos), ang file ay maaaring isalin bilang salansan o talaksan. Ano na lang ang mas maganda, iyan ang gamitin. --Sky Harbor 13:23, 14 Setyembre 2007 (UTC)
Tara kaibigan usap tayo
[baguhin ang wikitext]Inaanyayahan ko ang lahat na sumali sa aming usapan. Magbigay ng inyong mungkahi at pananaw sa Wikipedia talk:Meetup/Manila 2 --Exec8 06:00, 8 July 2007 (UTC)