Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2005 Hunyo 27
Itsura
- Iskandalong Hello Garci
- Hindi pumunta si Abogadong Samuel Ong, sa paunang imbestigasyon ng Kagawaran ng Katarungan sa kasong pag-uudyok sa sedisyon laban sa kanya. Nakilala si Samuel Ong sa pagsiwalat na sa kanya nagmula ang isang teyp na naglalaman diumano ng pag-uusap nina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Virgilio "Garci" Garcellano. (inq7.net)
- Bubuo ng isang "truth commission" o "komisyon ng katotohanan" ang mga pangkat ng lipunang sibil na tumulong na mapaupo si Gloria Macapagal-Arroyo bilang Pangulo ng Pilipinas noong 2001. Ito ang magsisiyasat sa mga na-wiretap na mga teyp na nag-uugnay kay Pangulong Arroyo sa pandaraya noong halalang 2004. (inq7.net)
- Nagdusa ang katimugang lalawigan ng Tsina na Guangdong sa malaking pagkawasak mula sa pagbaha ng Ilog Pearl. (The Associated Press)
- Sa Iran, nanalo ang Alkalde ng Tehran, si Mahmoud Ahmadinejad, sa halalang run-off para sa pagkapangulo ng bansa na nakuha ang 62% ng boto. (BBC) (Bloomberg News)