Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2006 Oktubre 6

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
  • Bolivia Isang truce ang tinawag sa Bolivia pagkaraan ng isang sagupaan ng mga grupo ng minero na nakapatay ng 16 katao ang namatay at 60 katao ang nasugatan. Tinanggal ni Evo Morales, Pangulo ng Bolivia, ang kanyang ministro sa pagmimina dahil sa hindi pag-anticipate sa karahasan. (ABC News Australia)
  • Estados Unidos Mga 18,000 katao ang inilikas mula sa Apex, North Carolina, Estados Unidos at 13 ang iniulat na nasugatan pakaraan ng isang pagsabog at sunod sa isang plantang kimikal ng Environmental Quality Industrial Services. (CNN)
  • European Union Estados Unidos Nakabuo na ng kasunduan ang mga negosyador mula European Union at ng Estados Unidos tungkol sa paghahalinhinan sa trans-Atlantic passenger data upang gamitin sa mga imbestigasyon kontra-terorismo. (The Independent)
  • Lungsod ng Vaticano Nire-review ng Theological Commission ng Simbahang Romano Katoliko ang mga aral ng limbus infantium (limbo para sa mga sanggol na mamatay bago mabinyagan) at maaring irekomenda kay Papa Benedict XVI na baguhin. (BBC)
  • Suwesya Ipinahayag na ng bagong Punong Ministro ng Sweden, si Fredrik Reinfeldt, ang kanyang bagong gabinete. (BBC)