Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Agosto 9
Itsura
- Pinuno ng Hezbollah na si Hassan Nasrallah ipinahayag sa isang pres-kumperensiya na mayroon siyang ebidensiya na magdadawit sa Israel sa pagpatay noong 2005 kay Punong Ministro ng Lebanon Rafic Hariri, na namatay kasama ang dalawampu't dalawang iba pa. (Aljazeera)
- Timog Korea sinabing nagpaputok ng 100 beses ng artilerya ang Hilagang Korea sa Dagat Hapon malapit sa hangganan na nagbibigay tingkad sa pagtaas ng tensiyon sa Tangway ng Korea. (Los Angeles Times) (China Daily)
- Mga mamamahayag sa Timog Aprika naglunsad ng kampanya para tutulan ang inihaing batas na maaaring maglimita sa malayang pamamahayag. (BBC)
- Dating Pangulo ng Mehiko Vicente Fox nanawagan sa pagsasalegal ng druga sa Mehiko. (BBC)
- Sudan ipinagbawal ang BBC Arabic sa Khartoum at tatlo pang lungsod. (BBC) (Reuters) (News24)