Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hulyo 18
Itsura
- Labing-apat na bilanggo nakatakas sa isang bilangguan sa Farah sa pangunguna ng Taliban. (Aljazeera)
- 43 katao patay sa pagpapasabog ng sarili ng isang tao sa Adhamiya sa Irak, karamihan rito mga kasapi ng Militar ng Irak o ng Sunni na suportado ng pamahalaan. (Sky News Australia) (Aljazeera) (The Guardian)
- Tatlong katao patay sa pagpapasabog ng kanyang sarili habang nasa bisikleta sa Kabul. (BBC)
- Hindi bababa sa 17 katao patay at mahigit 10 pa ang sugatan sa pamamaril sa isang pagdiriwan ng kaaarawan sa Torreón, estado ng Coahuila sa Mehiko, sa may hangganan ng Teksas. (BBC) (Aljazeera)
- Kalihim-Heneral ng Mga Bansang Nagkakaisa Ban Ki-moon nanawagan para sa malawakang pagsisiyasat sa alegasyon na ang kamakailang pagkapatay sa lider ng oposisyon sa Rwanda ay may bahid ng politika bago ang halalan sa susunod na buwan. (The Observer)
- Mga pulis ng Uganda inaresto ang 20 katao kasama ang ilang mga Pakistani dahil sa pagkakasangkot umano sa pambobomba sa Kampala. (AFP via Google)
- Hindi bababa sa labing-apat na katao patay at mahigit 12 pa ag nasugatan matapos mahulog ang isang bus sa bangin sa Puka, Albanya; pambansang araw ng pagluluksa idineklara. (BBC)
- Isang grupo ng mga relihiyosong Israeli nagbabalak magtayo ng mga panuluyan sa Ajami, Jaffa. (The Observer)