Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hunyo 1
Itsura
- Limang kandidato ng oposisyon, kasama na ang dating lider ng mga rebelde sa Burundi na si Agathon Rwasa, umurong na sa darating na halalan sa pagkapangulo. (BBC)
- Tatlong hukom ang nabaril at napatay sa isang hukuman sa Hunan, Tsina; nagpakamatay rin naman ang namaril matapos ang pangyayari. (China Daily) (BBC)
- Tatlong babaeng Namibyan sinampahan ng kaso ang estado adhil sa pag-i-esterilise sa kanila nang hindi nila alam matapos malamang mayroon silang HIV. (BBC) (UPI)
- Hindi bababa sa limang katao napatay sa pag-atake sa pagamutan ng Lahore sa Pakistan kung saan marami sa mga nasugatan sa pag-atake noong Biyernes sa mga kasapi ng sektang Ahmadis, gayundin ang isang nahuling militante ay nilalapatan ng lunas. (Geotv) (The Hindu) (USA Today) (CNN)
- Pinuno ng Al-Qaeda sa Apganistan, at pangatlo sa hanay ni Osama bin Laden na si Mustafa Abu al-Yazid, naiulat na napatay. (The Australian) (CNN)
- Binigyang diin ng Estados Unidos na dapat siguraduhin ang karapatan ng kababaihan sa anumang kasunduang pangkapayapaan ng Apganista sa paghahanda nitong magsimula ng kumperensiya para sa kapayapaan na hihimok sa mga pinuno ng Taliban na ibaba ang kanilang mga armas. (USA Today)
- Dating Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos Al Gore at kanyang asawang si Tipper ipinahayag ang kanilang paghihiwalay. (USA Today)