Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hunyo 4
Itsura
- Kalihim-Heneral ng Nagkakaisang mga Bansa Ban Ki-moon humiling nang hiwalay na imbestigasyon sa pagkamatay ng aktibista ng karapatang pantao na si Floribert Chebeya sa Demokratikong Republika ng Konggo at nangakong tutulong siya sa abot ng kanyang makakaya. (BBC) (IOL) (People's Daily Online)
- 109 katao patay sa sunog sa Dhaka, Bangladesh. Hindi bababa sa limampung mga nasugatang agaw-buhay ang dinala sa Dhaka Medical College Hospital. (China Daily) (Rediff) (Times of India)
- Naoto Kan naihalal bilang bagong pinuno ng Partido Demokratiko ng Hapon at gayundin bilang Punong Ministro ng Hapon. (The Australian) (Sydney Morning Herald) (Washington Post) (New York Times)
- Pangulo ng Estados Unidos Barrack Obama ipinagpaliban sa ikalawang pagkakataon ang pagbisita sa Indonesya at Australya. (Business Week) (AP via Google) (Forbes) (ABC News)
- Kapatid ng Tagapangasiwa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na si Amando M. Tetangco Jr. isa sa mga natagpuang patay sa isang sasakyan sa Timog Park sa Lungsod ng Angeles. (GMA News) (Philippine Star) (Manilla Bulletin) (Philippine Daily Inquirer)
- Papa Benedicto XVI ikinalungkot ang pagpatay kahapon kay Luigi Padovese ng Katoliko Romano Apostoliko Vikaryo ng Anatolia, na makikipagtagpo sana sa kanya sa unang pagbisita niya sa Tsipre bilang kauna-unanang Papa na bumisita rito. (BBC)