Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Marso 5
Itsura
Lindol na may kalakhang 6.5 yumanig sa karagatang malapit sa Sumatra tsunami maaaring maganap. (CNN)
HIH Princesa Toshi ng Hapon libre mula sa paaralan dahil sa pang-aapi ng mga kamag-aral. (BBC) (Japan Today) (Miami Herald) (The Daily Telegraph) (The Times)
Punong Ministro ng Nagkakaisang Kaharian Gordon Brown nagbigay nang ebidensiya sa Iraq Inquiry. (The Guardian) (The Daily Telegraph) (The Times)
Walong katao ikinulong sa Pidyi sa tangkang pagpatay kay Commodore Frank Bainimarama noong 2007. (BBC) (The Washington Post) (Bangkok Post) (The Sydney Morning Herald)
Hindi bababa sa 16 katao ang nasugatan sa dalawang pagpapasabog ng granada sa Kigali, isa malapit sa tanda ng pag-alala sa pagpatay ng lahi sa lungsod. Isa pang pagsabog ang kumitil ng hindi bababa sa isang katao. (BBC) (Reuters)
Hukbo ng Pakistan nakapatay ng 30 militanteng Taliban malapit sa Peshawar, ang kabisera ng Lalawigan ng North West Frontier. (Global Security)
Singapore pinahigpit ang seguridad dahil sa banta ng terorismo sa Kipot ng Malacca. (AP) (Reuters) (AFP)
Tao nagpasabog ng sarili malapit sa komboy ng mga Shi'ite Muslim sa hilagang-kanlurang Pakistan, hindi bababa sa 12 katao patay. (Global Security)