Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Setyembre 11
Itsura
- Mga Muslim sa buong mundo nagdiriwang ng piyesta ng Eid al-Fitr bilang pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan. (AP via Google News)
- Katamtamang lindol yumanig sa lalawigan ng Hilagang Maluku sa Indonesya. (ABC Online)
- Hilagang Korea iminungkahi ang pagpapanumbalik ng mga pagtitipon ng pamilya sa Timog Korea. (BBC) (Yonhap)
- Jordan lumagda ng kasunduan sa pakikipagtulungang nukleyar sa Hapon para magtayo ng planta ng pwersang nukleyar sa loob ng sampung taon. (Press TV)
- Limang katao patay sa pamamaril ng isang lalaki, patay rin ang lalaki matapos barilin ang sarili, sa Breathitt County, Kentucky sa katimugang Estados Unidos. (CBS News)
- Punong Ministro ng Australya Julia Gillard inihayag ang kanyang bagong Gabinete, kung saan ang dating PM na si Kevin Rudd ay kasama bilang Ministro ng Ugnayang Panlabas. (ABC Online)
- Estados Unidos ginunita ang Mga pag-atake noong Setyembre 11 sa pamamagitan ng mga kaganapan sa lungsod ng Bagong York, Pentagon Memorial sa Washington D.C. at Shanksville, Pennsylvania. (AFP via ABC News)