Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Agosto 1
Itsura
- Alitang armado at mga pag-atake
- Nagsagawa ng imbestigasyon ang hukbo ng NATO sa Apganistan ukol sa nakaraang pag-atakeng himpapawid ng Estados Unidos sa probinsiya ng Nangarhar na kumitil ng buhay ng limang pulis at dalawang sugatan.(ABC News Australia)
- Internasyonal na relasyon
- Pinagbigyan ng bansang Rusya ang Amerikanong si Edward Snowden ng isang-taong pansamantalang pampolitika asylum kaya siya ay nakaalis na sa Paliparang Pandaigdig ng Sheremetyevo sa Mosku, Rusya.(RT) (CNN)
- Batas at krimen
- Ikinulong ng mga Rusong pulis ang 1,200 ilegal na migranteng Biyetnames sa isang pagsalakay na ginawa sa Mosku.(ABC News)
- Walong katao ang inaresto sa Gresya dahil sa pagtatangkang pagnanakaw ng mga sandata sa Turkey. (IANS via Vancouver Desi)
- Politika at eleksiyon
- Inalis sa puwesto si Willy Telavi bilang Punong Ministro ng Tuvulu ni Gobernador-Heneral Iakoba Italeli, matapos akusahan ng pagtatakang pagpapatalsik kay Italeli. Itinalaga bilang pansamantalang Punong Ministro ang lider ng oposisyon na si Enele Sopoaga.(Islands Business)