Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Agosto 15
Itsura
- Alitang armado at mga pag-atake
- Agosto 2013 - Kaguluhan sa Ehipto:
- Umakyat na sa 638 ang bilang ng namatay sa nakaraang kaguluhan sa Ehipto.(Washington Post).
- Isang gusali ng gobyerno sa Cairo ang sinunog ng Kapatiran ng mga Muslim.(Sky News), (The Independent)
- Pinakansela ni Pangulong Barrack Obama ang pinagsanib na pagsasanay ng militar sa pagitan ng Estados Unidos at Ehipto. (New York Times)
- Batas at krimen
- Kasalukuyan ng pinaghahanap ng Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat o NBI si Janet Lim-Napoles, ang negosyanteng itinuturong nasa likod ng P10 bilyong pork barrel scam matapos magpalabas ng utos ng pagpapa-rakip o "warrant of arrest' ang Regional Trial Court ng Makati. (Abante-Tonite)
- Internasyonal na relasyon
- Itinaas ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas o DFA ng Pilipinas ang antas ng alerto bilang 3 sa Ehipto at pansamantalang ipinatigil ang pagpapadala ng mga manggagawa dahil sa galuhang nagaganap sa Cairo. (GMA News)
- Agham at teknolohiya
- Inanunsiyo ng Institusyon ng Smithsonian ang pagkakatuklas ng Olinguito, ang unang bagong klase ng carnivora na natagpuan sa Estados Unidos sa loob ng 35 taon. BBC Washington Post NBC News