Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Agosto 19
Itsura
- Alitang armado at mga pag-atake
- Hindi bababa sa 24 na pulis ang nasawi sa isang pag-atake sa Rafah, Ehipto sa Tangway ng Sinai. (BBC), (Reuters)
- Negosyo at ekonomiya
- Isang welga ng mga magsasaka ang nakaplano ngayon sa Colombia ukol sa karapatan ng mga mangggagawa. (Voice of Russia)
- Sakuna at aksidente
- Isang aksidente ng tren sa Indiya ang ikinasawi ng 37 katao at ilang nasugatan.(The Times of India), (BBC), (Reuters)
- Pagbaha sa hilagang-silangang Tsina at silangang Rusya kumitil ng higit 85 katao. Xinhua Daily Telegraph Times of India
- Pumutok sa ika-500 pagkakataon ang Bulkang Sakurajima sa Katimugang Hapon na nagdulot ng pagtakip ng abo sa ilang lungsod sa Kagoshima.(BBC)
- Internasyonal na relasyon
- Sinimulan ng bansang Rusya at Hapon ang pagtalakay kung saang punto sisimulan ang nalalapit na pag-uusap para sa kasunduang pangkapayapaan. (ITAR-TASS)
- Dumating na ang bapor pandigma ng Britanya, ang HMS Westminster (F237) sa Gibraltar sa gitna ng namumuong tensiyon sa pagitan ng bansang Espanya. (Reuters)
- Inamin sa unang pagkakataon ng Pangunahing Ahensiya ng Kaalaman o CIA ng Estados Unidos naging papel ng Amerika sa pagsasagawa ng 1953 Kudeta sa Iran.(BBC)
- Sining at kultura
- Itinanghal si Megan Young bilang Miss World-Philippines 2013. (GMA News)