Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Agosto 23
Itsura
- Alitang armado at mga pag-atake
- Ayon sa Mga Nagkakaisang Bansa umabot na sa milyon ang mga batang walang estado mula sa Sirya. (AP via Fox News)
- Pinipigilan ng gobyerno ng Sirya ang mga tagapagsiyasat ng Mga Nagkakaisang Bansa na bisitahin ang lugar kung saan naiulat ang kemikal masaker. (Reuters)
- Isang pagsabog sa isang moske sa lungsod ng Tripoli sa Lebanon na ikinasawi ng higit 50 katao. (Al-Jazeera)
- 26 katao ang namatay at 55 ang sugatan sa isang pagpapatiwakal na bomba sa hilagang Baghdad.(FOX News)
- Naglunsad ng isang opensiba ang pangkapayapaang hukbo ng Mga Nagkakaisang Bansa na nasa Republika ng Konggo sa silangang lungsod ng Goma. (BBC)
- Naglunsad ng isang panghimpapawid na pag-atake ang Israel bilang tugon sa tinirang misil sa hilagang Israel. (CBS News)
- Batas at krimen
- Dating Komandante ng Sandatahang Lakas ng Estados Unidos na si Nidal Malik Hassan ay nahatulan ng maraming bilang ng pagpatay dahil sa 2009 Pamamaril sa Fort Hood. (CNN)
- Dating Sarhento ng Sandatahang Lakas ng Estados Unidos na si Robert Bales ay nahatulan ng habang buhay na pagkabilanggo na walang parole dahil sa pagpatay sa 16 na sibilyang Apghan noong Marso 2012.(NBC News)
- Sakuna at aksidente
- Nasa 662 pa ring mga lugar ang nananatiling lubog sa baha dahil sa habagat, mula ito sa 88 munisipalidad na sakop ng rehiyon I, III, IV-A, IV-B at Pambansang Punong Rehiyon o Maynila. (Abante News)
- Negosyo at ekonomiya
- Inanunsiyo ni Steve Ballmer ang CEO ng Microsoft na siya ay marreretiro sa loob ng 12-buwan.(Wall Street Journal)
- Politika at eleksiyon
- Si Bob Filner, ang Alkalde ng San Diego, California, ay mabibitiw sa kanyang tungkulin sa Agosto 30 bilang resulta ng patong-patong na kasong seksuwal na panliligalig. (Los Angeles Times)