Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2017 Mayo 2
Itsura
- Alitang armado at mga pag-atake
- Ayon sa Obserbatoryo para sa Karapatang Pantao ng Sirya, aabot sa 38-katao ang nasawi kabilang ang ilang sibilyan at miyembro ng Demokratikong Pwersa ng Sirya, matapos atakihin ng militanteng grupo ng ISIL o Islamic State of Iraq and the Levant ang kampo ng mga tumakas na taga-Sirya at Iraq sa Al-Shaddadah bayan ng Al-Hasakah Governorate. (BBC)
- Internasyonal na relasyon
- Nanindigan ng Hilagang Korea na pabibilisin pa nito ang pagsubok ng kanilang sandatang nuklear sa anu mang oras bilang tugon sa agresibong pakikitungo ni Pangulong Donald Trump sa rehimen. (The Guardian)
- Pulitika at eleksyon
- Inakusahan si Marine Le Pen kandito para sa pagkapangulo ng bansang Pransiya ng Iligal na Pangongopya sa paggamit ng talumpatui ni François Fillon. (BBC)
- Inanunsuyo ng Punong Ministro ng Republikang Tseko na si Bohuslav Sobotka ang kanyang pagsusumite ng kanyang pagbibitiw sa katungkulan sa kanyang Gabinete kaugnay ng di pagkakasundo sa pagitan nila ni Andrej Babiš ang Ministro ng Pananalapi. (BBC)
- Nahaharap si Pangalawang Pangulong Leni Robredo sa pagsasakdal sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas dahil sa pagtuligsa nito sa Giyera Kontra Droga ng pamahalaan sa Mga Nagkakaisang Bansa. (Philippine Star)
- Inanunsuyo ni Pangulong Nicolas Maduro ang pagplaplano sa pagbago ng Saligang batas ng Venezuela kahit marami ang tutol dito.(Los Angeles Times)