Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2019 Abril 10
Itsura
- Nagkasundo ang Reyno Unido at Unyong Europeo na iantala ang Brexit hanggang Oktubre 31, 2019. Nangangahulugang sasama ang UK sa susunod na buwan na halalan ng Parlamentong Europeo. (BBC)
- Inilabas ng mga siyentipiko sa proyektong Event Horizon Telescope ang kauna-unahng litrato ng event horizon (o pinalagay na hangganan) ng black hole. Ang nailitrato ay ang supermassive o napakalaki at napakabigat na black hole sa gitna ng galaksiya ng Messier 87, at nakunan ito gamit ang isang network ng walong teleskopyong radyo sa buong sanlibutan. (CNN)
- Kinilala ang Homo luzonensis bilang isang bagong espesye ng tao na natuklasan sa Yungib ng Callao, Hilagang Pilipinas. (National Geographic)
- Sa Kalakhang Maynila, Pilipinas, umabot sa 39°C ang indeks ng init (na tinatawag din na init factor) sa halos apat na oras. (GMA News)