Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2019 Abril 2
Itsura
- Iniutos ng Korte Suprema ng Pilipinas na ilabas ang mga dokumento na may kaugnayan sa kampanya laban sa iligal na droga sa Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Pangulo Rodrigo Duterte. (The New York Times)
- Sinara ng Google ang social network na Google+ pagkatapos ng pitong taon dahil sa mababang pakikipag-ugnayan ng mga tagagamit at mga depekto sa disenyo na nagdulot sa malaking data breach o pagkawala ng datos noong 2018. (BBC)
- Inantala ng Boeing ang pagkakaroon ng pagbabago sa software para sa kanilang mga airliner na 737 Max. Inaasahan ng Federal Aviation Administration na mailalabas ang pagbabago "sa darating na mga linggo." (CBC)
- Nagbitiw ang 82-taong-gulang na Pangulo ng Algeria na si Abdelaziz Bouteflika sa kabila ng kagipitan mula sa publiko at militar. Pinamunuan niya ang bansa simula pa noong 1999. (BBC)