Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2019 Marso 18
Itsura
- Mga armadong pagtatalo at atake
- Pamamaril sa Utrecht ng 2019
- Isang lalaki ang malawakang namaril sa isang tram sa lungsod ng Utrecht, Netherlands, pinatay ang tatlo at nasugatan ang siyam na iba pa. Sang-ayon sa alkalde na si Jan van Zanen, isang "motibong terorismo" ang maaring dahilan sa pag-atake. (BBC) (Sky News)
- Agham at teknolohiya
- Kamchatka superbolide
- Inulat ng NASA na natuklasan ang isang malaking pagsabog ng bulalakaw sa atmospera ng Daigdig noong Disyembre 18, 2018, sa itaas ng Tangway ng Kamchatka ng Rusya. Hindi malawakang napansin ang pagsabog dahil sa lokasyon nito. Ang pagsabog, na sampung beses na mas malakas kaysa sa hinulog sa Hiroshima, ay ang ikalawang pinakamalaki ng ganitong uri sa loob ng 30 taon. (BBC)