Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2020 Marso 11
Itsura
- Mga kalamidad at sakuna
- Inakayat ng Surian ng Pilipinas sa Bulkanolohiya at Sismolohiya ang katayuang alerto para sa Bulkang Kanlaon mula sa Antas Alerto 0 sa Antas Alerto 1 dahil sa pagpapakita ng di-normal na kondisyon. (CNN)
- Negosyo at ekonomiya
- Sosyo-ekonomikong epekto ng pandemya ng coronavirus ng 2019–20; resulta ng Black Monday
- Bumulusok ang Dow Jones Industrial Average ng 1,400 puntos at pumasok sa isang bear market. (Fox News)
- Bumagsak ang bond market sa unang pagkakataon simula noong pandaigdigang krisis sa pananalapi ng 2008-2009 na ang stock at mga bond market ay gumalaw sa parehong direksyon, pinapahiwatig ang malaki at mabigat na pagbenta ng mga portpolyo habang ang mga namumuhunan ay naghahanap ng salapi. (NY Times)
- Opisyal na kinansela ang pinakamalaking taunang kaganapan sa industriya ng larong bidyo, ang E3 2020, dulot sa alalahanin sa coronavirus. Nakatakda sanang mangyari ang E3 2020 sa Hunyo 9, na magbubunsad ng pangunahing console para sa Microsoft at Sony. (BBC)
- Kalusugan at kapaligiran
- Pandemya ng coronavirus ng 2019–20
- Opisyal na inihayag ng World Health Organization na isang pandemya ang pagsiklab ng COVID-19. (CBC)