Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2020 Pebrero 23
Itsura
- Mga sakuna at aksidente
- Lindol sa Iran-Turkey ng 2020
- Isang lindol sa Lalawigan ng Kanlurang Azerbaijan, Iran, ang kumitil sa hindi bababa sa siyam na tao at sinugatan ang higit sa isang daan na iba pa. (Daily Sabah)
- Kalusugan at kapaligiran
- Pagsiklab ng coronavirus, 2019-20
- Pagsiklab ng coronavirus sa Italya
- Pitumpu't anim pang kaso ng coronavirus ang natiyak sa Italya na nagdulot sa pagtaas ng bilang sa 155 na kabuuang kaso sa bansa. (La Repubblica)
- Isang babaeng 68 gulang ang namatay sanhi ng coronavirus sa Crema, Italy, na nagdulot na magdagdagan ang mga namatay sa bansa dahil sa coronavirus sa kabuuang tatlo. (Tgcom24)
- Pagsiklab ng coronavirus sa Timog Korea
- Nakumpirma sa Timog Korea na may 169 katao ang nahawaan ng coronavirus sa bansa, na itinaas ang kabuuan sa 602. (BBC)
- Pagsiklab ng coronavirus sa Iran ng 2020
- Sinarhan ng Pakistan ang mga hangganan nito sa Taftan na malapait sa Iran dahil sa pagtaas ng mga kaso ng coronavirus sa Iran. (Geo News)
- Sinara ng Turkey ang hangganan nito sa Iran at tinigil ang mga lipad dahil sa pagtaas ng mga kaso ng coronavirus sa Iran. (Reuters)
- Sinuspinde ng Afghanistan ang paglakbay sa pagitan nito at Iran at inulat ang tatlong sinususpetsang may kasa ng bayrus sa Herat. (TRT World)
- Pagsiklab ng coronavirus sa Italya
- Politika at halalan
- Lehislatibong halalan sa Comoros ng 2020
- Nagaganap ang ikalawang yugto ng pinakabagong halalan sa Comoros. Kasalukuyang binoboykot ng oposisyong pampolitika ang halalan. (RFI)