Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2020 Pebrero 24
Itsura
- Pagpapanibago ng prangkisa ng ABS-CBN
- Inumpisahan ng Senado ng Pilipinas ang isang pandinig ng pagpapanibago ng prangkisa ng ABS-CBN na pinamunuan ng Tagapangulo ng Kumite ng Serbisyong Publiko ng senado na si Senador Grace Poe. Natuloy ang pagdinig sa kabila ng pagbanggit ni Ispiker Alan Peter Cayetano ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na paglabag sa Konstitusyon ng Pilipinas ang pagdinig ng senado. (Philippine Daily Inquirer)
- Sinagot ng ABS-CBN ang kasong quo warranto na inihain ng Tanggapan ng Solisitor Heneral na si Jose Calida sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas. (GMA News)
- Sang-ayon sa Kalihim ng Kagawaran ng Katarungan na si Menardo Guevarra na mapapaso ang prangkisa ng ABS-CBN sa Mayo 4, 2020 at hindi Marso 30, 2020 na malawak na naiuulat. (CNN Philippines)
- Pagsiklab ng coronavirus, 2019-20
- Sang-ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, umakayat na sa 59 ang mga Pilipino ang nagkaroon ng COVID-19 sa barkong panliliwaliw o cruise ship. (GMA News)