Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2021 Marso 23

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sakuna at aksidente
  • Naharang ang Kanal ng Suez sa parehong direksyon pagkatapos sumadsad sa hilaga ng Daungan ng Suez sa Ehipto ang kargamentong barko na Ever Given na nakarehistro sa Panama. (BBC)
Kalusugan at kapaligiran
  • Pandemya ng COVID-19
    • Pandemya ng COVID-19 sa Asya
    • Pandemya ng COVID-19 sa Europa
      • Pandemya ng COVID-19 sa Alemanya
        • Ipinabatid ni Kanselor Angela Merkel na ipinapatupad ng Alemanya ang isang "emerhensiyang preno" at pinalawak ang kanilang pagsasara o lockdown sa buong bansa hanggang Abril 18, na kabilang ang pagsasara ng mga tindahan mula Abril 1 hanggan Abril 5, sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19. (DW)
      • Pandemya ng COVID-19 sa Italya
        • Iniulat ng Italya ang bagong 551 kamatayan sa nakaraang 24 oras. Ito na ang pinakamalaking bilang sa isang-araw simula noong Enero, sa gayon, umabot na ang kabuuang namatay sa 105,879 sa buong bansa. (Anadolu Agency)
    • Bakuna ng COVID-19 vaccine
      • Sinabi ng Pfizer na balak nilang gumawa ng mga bagong bakuna para sa ibang mga bayrus kasunod ng tagumpay ng kanilang kandidatong bakuna para sa COVID-19. (CNBC)