Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2021 Oktubre 8
Itsura
Negosyo at ekonomiya
- Mga gawain ng publikong sektor ng Indya
Politika at halalan
- Gantimpalang Nobel na Pangkapayapaan ng 2021
- Ginawaran ng Gantimpalang Nobel na Pangkapayapaan ang mga mamamahayag na sina Maria Ressa ng Pilipinas at Dmitry Muratov ng Rusya "para sa kanilang pagpupunyagi upang pangalagaan ang kalayaan ng pagpapahayag". (AFP via India Today)
- Politika ng Austrya
- Sinabi ng Partidong Luntian ng Austrya (Green Party of Austria), isang makakaliwang kasapi ng koalisyon, na "hindi karapat-dapat" si Kanselor Sebastian Kurz para sa posisyon habang inimbistigahan siya sa korupsyon. Hiniling ng partido na magbitiw si Kurz, bagaman, itinanggi ni Kurz ang kahit anumang pagkakamali. (Reuters)
- Halalang pampanguluhan sa Pilipinas, 2022
- Sa pagtatapos ng pagsumite ng Sertipiko ng Pagkandidato o COC, naghain ng COC ang 97 para sa pagkapangulo, 29 para sa pagkapangalawang pangulo, 176 para sa pagkasenador, at 270 para sa party-list. (CNN Philippines)