Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2022 Oktubre 10
Itsura
Agham at teknolohiya
- Pinirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Batas Republika 11934, ang batas sa pagrerehistro ng SIM kard ng mga teleponong selular sa Pilipinas, na naglalayong sugpuin ang mga spam sa mensaheng text at mga panloloko. (CNN Philippines)
Negosyo at ekonomika
- Memoryal na Premyong Nobel sa mga Agham Ekonomika
- Ginawaran ang mga Amerikanong sina Ben Bernanke, Douglas Diamond at Philip H. Dybvig ng Memoryal na Premyong Nobel sa mga Agham Ekonomika "para sa pananaliksik sa mga krisis sa bangko at pananalapi". (CBC)
Internasyunal na ugnayan
- Ugnayang Biyelorusya-Polonya
- Pinayuhan ng Polonya sa mga mamamayan nito na umalis sa Biyelorusya sa pamamagitan ng mga "kaparaanang komersyal o pribado" sa gitna ng lumalalang ugnayan ng dalawang bansa. (Reuters)