Wikipedia:Mga artikulong buburahin/Tagalog na Wikipedia
- Ang sumusunod ay ang usapan sa in-archive na pagtatalo sa iminungkahing pagbura sa artikulo sa ibaba. Pakiusap, huwag baguhin ito. Dapat ilagay ang mga sumusunod na kumento sa nararapat na mga usapang pahina (katulad ng usapang pahina ng artikulo o sa pahina ng pagsusuri ng pagbura). Wala ng pagbabagong magaganap sa pahinang ito.
Ang resulta ay isama sa Wikipedia:Patungkol. --Jojit (usapan) 01:58, 26 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
Dahil hindi pa tanyag ang Tagalog na Wikipedia, aking minumungkahi ang pagbura nito. Oo alam ko ito ang artikulo patungkol sa wiki natin pero kung susubukan niyong hanapin ito sa Internet ang wiki lamang natin ang nagpapatungkol dito, wala nang iba. -- Felipe Aira 05:53, 19 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
*Kupkupin. Alam kong kaunti ang hits sa tl pero tanggap ito ng Ingles na Wikipedia. Sa totoo lang ang 15,000 na bilang na artikulo ang nagbibigay ng katanyagan sa Wiki na ito. Marami na akong nakitang proyekto ng Wikipedia sa Ingles na wikipedia na binura dahil sa kababaan ng bilang ng mga artikulo. --Lenticel (usapan) 12:22, 25 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
Mukhang mabubura ito sa en.wiki, sige sang-ayon na ako na burahin ito.--Lenticel (usapan) 12:47, 29 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Sayang talaga and pagod ng mga nauna rito. --BritandBeyonce 00:44, 30 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Kung hindi talaga tanyag eh wala tayong magagawa kahit na pinagpaguran pa yung artikulo.--Lenticel (usapan) 01:11, 30 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Kupkupin / Huwag burahin - 96.224.58.127 06:10, 31 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Magandang araw, Wikipedistang hindi kilala. Hangad ko lamang pong ipaalam na hindi binibilang ang mga opiniyon at boto mula sa mga hindi nakatalang manggagamit. Tumala po at bumoto ulit. -- Felipe Aira 11:43, 31 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Kumento. Kailangan ko pa ng karagdagang konseso para sa pagbura o pagpapanatili nito. Sa tingin ko si 96.224.58.127 ay si User:AnakngAraw. --Jojit (usapan) 04:20, 5 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
- Kupkupin - AnakngAraw 04:21, 5 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
- Maaari po bang ibigay ang inyong paliwanag sa kung bakit ito kailangang panatiliin? At Jojit paano ka nakakatiyak doon? -- Felipe Aira 09:56, 5 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
- Ang artikulo ay tungkol sa Tagalog na Wikipedia. Tatanggalin pa ba natin ito? Maging sa loob ng Tagalog na Wikipedia. Tungkol ito sa sarili niya. Kupkupin ang sariling atin. Salamat po sa paghingi ng aking pananaw, at sa pagkakataong humalal dito. - AnakngAraw 05:17, 20 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
- Pero dapat din nating tandaan, na hindi naman tanyag ang Tagalog na Wikipedia. Magsaliksik ka sa google at makikita mo. Ang patakaran ng paglalakip sa Wikipedya ay kailangang mayroong pangalawang sanggunian ang artikulong nagpapatungkol sa kanya bukod sa sarili niya. Iyon ang patakaran ng katanyagang (en:WP:NOTABILITY) kailangang makamit upang magkaroon ng isang artikulo sa Wikipedya. Sa kaso natin, ang Tagalog Wikipedya lamang ang nagpapatungkol sa sarili nito wala na ang iba. Kaya wala itong pangalawang sanggunian. Sa dahilan mo namang ito ay sariling atin, hindi naman ibig sabihin na tungkol sa atin iyon ay kailangan nating maging biased sa artikulo ng Tagalog na Wikipedya at ng Wikipedya. 'di bale mayroon pa rin namang nagpapatungkol sa atin; Wikipedia:Patungkol. -- Felipe Aira 02:58, 25 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
- Naniniwala pa rin ako na dapat kupkupin ang artikulo. Subalit kung pagpapasyahang alisin lang ang pahina, dapat lamang na ilipat ang lahat ng nilalaman ng artikulo sa Wikipedia:Patungkol, na walang nalilimutan kahit na anumang impormasyon mula sa kasulukuyang mukha ng artikulo, sapagkat ito ang impormasyon hinggil sa Tagalog na Wikipedia. Pagsasanib upang hindi nakakahinayang na mawala o makalimutan ng diwa ang laman na nandito. - AnakngAraw 03:25, 25 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
- Sumasang-ayon ako sa pagdaragdag ng nilalaman nito sa Wikipedia:Patungkol, kung ganito ang mangyayari, sang-ayon na po ba kayo sa pagbura dahil totoong hindi tanyag ang artikulo, at kung hindi tanyag ang isang artikulo, hindi ito karapatdapat maisama sa Wikipedya? At 'di bale kapag naging tanyag na tayo, maaari namang alisin ang pagkabura ng artikulo, at maibalik ang dati nitong nilalaman bago ang pagkabura; kaya walang masasayang na pagod. Wala namang panghabangbuhay na pagbura rito eh, lahat ng bura ay maibabalik; ngunit ang kakayahang ito ay sa mga tagapangasiwa lamang. -- Felipe Aira 08:07, 25 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]