Wikipedia:Mga napiling artikulo/Palaikutan/1
Ang Karagatang Pasipiko o Dagat Pasipiko (mula sa salitang Latin na Mare Pacificum, na ang ibig sabihin ay payapang laot, na iginawad ni Fernando Magallanes eksplorador na Portugues sa korona ng Espanya) ay ang pinakamalaking karagatan sa mundo. Kinabibilangan ito ng isang tersyo ng buong kalatagan ng Lupa at may sukat na 179.7 milyon km² (69.4 milyon milya kwadrado). Ito ay umaabot ng mga 15,500 km (9,600 mi) mula sa Dagat Bering sa Karagatang Artiko hanggang sa mayelong lugar ng Dagat Ross ng Antartika sa timog. May kalaparang silangan-kanluran na mga 5 gradong H latitud, ito ay nakalatag mga 19,800 km (12,300 mi) mula Indonesia hanggang sa baybayin ng Colombia. Ang kanlurang hangganan ng karagatan sa kadalasan ay ang Kipot ng Malaka. Matatagpuan ang pinaka-mababang dako sa mundo sa Bambang ng Marianas sa ilalim ng Pasipiko. Ang Bambang ng Marianas ay nasa 10,911 metro (35,797 ft) mababa sa pantay laot. Naglalaman ang Pasipiko ng 25,000 mga pulo (mahigit ito sa kabuuang bilang ng buong pinagsamang mga karagatan sa mundo). (Silipin: Mga Isla ng Pasipiko.) Marami rito ay matatagpuan sa timog ng ekwador. Maraming laot ang nasa kanlurang baybayin ng Pasipiko. Pinamalalaki rito ang Dagat Selebes, Dagat Korales, Dagat Silangang Tsina, Dagat Hapon, Dagat Timog Tsina, Dagat Sulu, Dagat Tasman at Dagat Dilaw. Ang Kipot ng Malaka ay sumasama sa Pasipiko at ang Karagatang Indiyan sa kanluran at ang Kipot ng Magallanes ang nagkakabit sa Pasipiko sa Karagatang Atlantiko sa silangan.