Kailangang nasakop na sa mga maaasahang sanggunian na malaya sa paksa ang laman ng artikulo. Kabilang dito ang mga akademikong talaarawan, aklat, pahayagan, magasin, at websayt na may reputasyon sa pagsuri ng patunay. Hindi kasali dito ang mga nilabas para sa mga mamamahayag o press release, hatirang pangmadla o social media, o mga sanaysay o profile pangkorporasyon/pampropesyunal.
Karapatang-ari
Huwag mag-copy-paste (kopya-ilagay) o malapit na paraprasis (sabihin sa ibang salita) ang materyal mula sa pinanggalingan. Sa halip, ibuod ang sinasabi ng pinanggalingan sa iyong sariling mga salita.
Pagsasangguni
Pangkalahatang tinatanggap ang mga malayang sanggunian (tingnan ang nasa itaas) at dapat gamitin bago ang ibang sanggunian.
Maaring gamitin ang mga di-malayang sanggunian (tulad ng websayt ng kompanya o nilabas sa mamamahayag) upang patunayan ang prinsipal na patunay lamang.
Pangkalahatang hindi tinatanggap ang mga blog, hatirang pangmadla, at pamamahayag na tabloyd.
Upang gumawa ng sanggunian, gamitin ang <ref></ref> tulad ng sumusunod
Itinatag ang Bizco noong 1942.<ref>https://www.nytimes.com/bizco</ref>
Para sa ibang detalye kung papaano magsipi ng iba't ibang materyal, tingnan ang gabay na panimula sa pagsasangguni.