Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Sampung taon ng Wikipediang Tagalog

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

SAMPUNG TAON NG WIKIPEDIA
Portada para sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng Wikipediang Tagalog

Mabuhay! Nais po namin kayong makasama upang ipagdiwang ang ika-10 anibersaryo ng Wikipediang Tagalog!

Noong ika-1 ng Disyembre 2003, itinatag ang Wikipediang Tagalog bilang kauna-unahang bersiyon ng Wikipedia sa isang katutubong wika ng Pilipinas. Sa loob ng sampung taon nang unang itinatag ito, at sa lahat ng ating naranasan bilang isang websayt at, higit sa lahat, bilang isang pamayanan, nais po namin kayong pasalamatan sa inyong walang-patid na suporta sa layunin nating ipamahagi at ipalaganap ang kaalaman sa buong mundo, lalo na sa ating mga kababayang Pilipino, sa isang wikang kaya nilang maunawaan.

Ikapito ang Wikipedia sa mga pinakatanyag na websayt sa buong Pilipinas, at upang maipagdiwang ang okasyong ito, nais po namin kayong bigyan ng pagkakataong tuklasin ang kasaysayan ng Wikipediang Tagalog, ang mga tao sa likod nito, at kung ano ang maaaring maging kinabukasan nito.

Kasaysayan
Mga personal na kuwento
Mga kaganapan
Mag-iwan ng pagbati