Wikipedia:Sampung taon ng Wikipediang Tagalog/Kasaysayan
Itsura
Sa pahinang ito, maaari mong tingnan ang ebolusyon ng Wikipediang Tagalog sa loob ng huling sampung taon, kasama ang mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng proyekto. Gayunpaman, hindi ito ang buong kasaysayan: maaaring tingnan ang Wikipedia:Patungkol at Wikipediang Tagalog#Kasaysayan para sa karagdagang impormasyon.
I-klik ang larawan upang tingnan ang malaking bersiyon ng websayt sa taong iyon, o nabigahin ito pa-larawan simula 2004.
-
1 Disyembre 2003 – ang petsang tinakda ni Eugene Alvin Villar (seav) at Josh Lim (Sky Harbor) bilang ang araw ng pagkatatag ng Wikipediang Tagalog (tingnan ang Wikipedia:Anibersaryo ng Wikipediang Tagalog para sa karagdagang impormasyon)
-
- Taong 2004
- isinagawa ang pinakalumang pagbabago sa Wikipedia sa paglikha ng Unang Pahina noong 4 Enero
- noong 29 Enero, nilikha ni Mang kiko ang Wikipedia, ang unang artikulo ng Wikipediang Tagalog
- sa wakas ng taon, may 418 artikulong nailikha
-
- Taong 2005
- ikinarga noong 7 Pebrero ang sagisag opisyal ng Batanes, ang unang talaksang lokal sa Wikipediang Tagalog
- nilikha noong 24 Pebrero ng Marso 1, ang ika-500 artikulo ng Wikipediang Tagalog, at ang Gitnang Kabisayaan bilang ika-1,000 artikulo noong 24 Hunyo
- pinalitan noong 27 Hulyo ang anyo ng Unang Pahina, at sinimula ang seksiyong Alam ba ninyo?
- pinagtalunan kung Tagalog ba o Filipino ang dapat maging pantukoy sa wika ng Wikipediang ito
- itinanghal ang Kimika noong 29 Oktubre bilang unang napiling artikulo
- sa wakas ng taon, may 2,047 artikulong nailikha
-
- Taong 2006
- itinanghal ang isang larawan ng paruparong viceroy bilang unang napiling larawan
- inilikha noong 14 Mayo ang Barbara Benitez, ang ika-2,500 artikulo
- sa wakas ng taon, may 4,641 artikulong nailikha
-
- Taong 2007
- isinulat noong 12 Marso ang artikulong Max Surban, ang ika-5,000 artikulo, na sinundan ng Bantayan, Cebu noong 27 Oktubre, ang ika-10,000 artikulo ng Wikipediang Tagalog
- sinimulan ang malawakang pagsasalin ng MediaWiki, ang software na nagpapatakbo sa Wikipedia, sa Tagalog
- sinimulan ng ilang kasapi ng pamayanan ang paggawa ng mga usbong (stub) para maitaas ang bilang ng mga artikulo sa Wikipedia
- sa wakas ng taon, may 14,774 artikulong nailikha
-
- Taong 2008
- isinulat noong 1 Nobyembre ang Anak ng Tao, ang ika-20,000 artikulo
- ipinatupad ng pamayanan ang ilang mga patakarang pangwika upang maipalakas ang paggamit ng pormal na Tagalog sa Wikipedia
- binago noong 3 Mayo ang anyo ng Unang Pahina sa isang disenyo ni Felipe Aira, kasama ang paglikha sa seksiyong Sa araw na ito
- sa wakas ng taon, may 20,026 artikulong nailikha
-
- Taong 2009
- itiniyak noong 5 Enero ang pagtatapos sa pagsasalin ng software na MediaWiki sa Tagalog, na nangyari lalo na sa sikap ni AnakngAraw
- sa wakas ng taon, may 24,109 artikulong nailikha
-
- Taong 2010
- isinulat ang Sky Girls, Charlottenburg-Wilmersdorf, 1714 Sy at Ekonometriks bilang ika-25,000, 30,000, 40,000 at 45,000 artikulo ng Wikipediang Tagalog
- unang binanggit ang Wikipediang Tagalog sa midyang lokal
- nagtipon ang mga Wikipedista sa buong mundo sa Polonya para sa Wikimania 2010, ang taunang pandaigdigang pagtitipon ng Wikimedia, kasama ang unang Wikipedistang taga-Pilipinas na pumunta rito
- sa wakas ng taon, may 46,920 artikulong nailikha
-
- Taong 2011
- ipinagdiriwang ang ika-10 anibersaryo ng Wikipedia noong 15 Enero sa pag-oorganisa ng Wikipedia Takes Manila, ang kauna-unahang paligsahan ng uri nito sa Pilipinas
- isinulat ang Yu-Gi-Oh! Zexal noong 15 Enero bilang ika-50,000 artikulo ng Wikipediang Tagalog
- ginanap noong 18 Hunyo ang Usapang Tambayang Wikipedia, kung saan tinalakay ang isyu ng wikang ginagamit sa Wikipediang Tagalog kasama ang mga tauhan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
- sa wakas ng taon, may 54,233 artikulong nailikha
-
- Taong 2012
- noong 2 Hunyo, ibinago ang anyo ng Unang Pahina sa kasalukuyang anyo nito batay sa isang disenyo ni Masahiro Naoi.
- sa wakas ng taon, may 58,288 artikulong nailikha
-
- Taong 2013
- sinimulan ang masinsinang usapan ukol sa mga patakarang pang-wika ng Wikipediang Tagalog
-
1 Disyembre 2013 - ipinagdidiriwang ang ika-10 anibersaryo ng Wikipediang Tagalog