Wikipedia:Wikipedia Philippine Month 2021
Ang Wikipedia Philippine Month o Wikipedia PH Month ay isang buwanang gawain sa internet. Ito ay isang inspirasyon ng Wikipedia Asian Month. Layon nitong pag-ibayuhin ang pagsulat tungkol sa Pilipinas sa mga edisyon ng Wikipedia sa mga wika sa Pilipinas at iba pa. Bawat lokal na komunidad na kalahok sa gawain na layon ang paglikha o pagsasaayos ng laman ng Wikipedia sa isang partikular na grupo o mga grupo ng mamamayan sa Pilipinas at ang rehiyon na kanilang pamayanan. Ang mga komunidad na nais lumahok ay hindi limitado sa Pilipinas. Layunin din ng gawain na hikayatin ang pagtutulungan ng mga taga-ambag na Pilipino sa loob at labas ng kapuluan, gayun din lumikha ng network sa mga taga-ambag na Pilipino at di-Pilipino na sumusuporta sa layunin ng gawain.
Bago o isinasayos na mga artikulo
[baguhin ang wikitext]Enero (Mga Bisaya)
[baguhin ang wikitext]An buwan ng Enero ay itinakda para sa mga bisaya at mga lugar kun saan sila naninirahan: Rehiyon VI, Rehiyon VII, Rehiyon VIII at Romblon.
Mga kalahok
[baguhin ang wikitext]- [[pamagat ng artikulo]] - ngalan ng taga-ambag/lagda
Pebrero (Tsinong Pilipino)
[baguhin ang wikitext]Bilang pagdiriwang sa Bagong Taon ng mga Tsino sa buwan na ito, itinakda ang Pebrero para sa mga Tsinoy at ang mayamang kinaugaliang Pilipino na may impluwensiyang Tsino.
Marso (Pilipina/Pinay)
[baguhin ang wikitext]An buwan ng Marso ay itinakda para sa mga Pilipina o Pinay lamang.
Abril (Mga Tagalog)
[baguhin ang wikitext]An buwan ng Abril ay itinakda para sa mga Tagalog na naninirahan sa Katagalugan at iba pang panig ng bansa. Sa buwan na ito, kung ikaw ay nabibilang sa pangkat etnikong ito ay maaari kang lumikha ng mga artikulo sa ibang paksa.
Mayo (Mga Pangkat Etniko sa Kordilyera, Mindoro at Negritos sa iba't ibang lugar)
[baguhin ang wikitext]Bilang pagdiriwang ng Heritage Month, tampok sa buwan ng Mayo ang mga katutubong Igorot (CAR), Mangyan (sa gitnang Mindoro), Suludnon (sa gitnang Panay, at Negritos (sa iba't ibang lugar sa Luzon, Panay, Negros, at Mindanao)
Hunyo (Mga Pilipinong Espanyol at mga Chavacano)
[baguhin ang wikitext]Bilang pagdiriwang sa Pagkakaibigang Pilipino-Espanyo sa buwan na ito, itinakda ang Hunyo para sa mga Mga Pilipinong Espanyol at mga Chavacano na naninirahan sa iba't ibang panig ng bansa, at ang mayamang kinaugaliang Pilipino na may impluwensiyang Espanyol.
Hulyo (Mga Ilokano)
[baguhin ang wikitext]An buwan ng Hulyo ay itinakda para sa mga Ilokano at iba pang pangkat etniko sa Rehiyon Ilocos at Rehiyon ng Cagayan kabilang dito ang mga Ibatan, Ibanag, Itawes/Itawis/Itawit at Gaddang.
Agosto (Mga Pangkat Etniko sa Kordilyera, Mindoro at Negritos sa iba't ibang lugar)
[baguhin ang wikitext]Bilang pagdiriwang ng Indigenous Month, tampok sa buwan ng Agosto ang mga katutubong kasapi ng Tribong Palaweño, Lumad at Moro. Naninirahan sila sa Palawan, BARMM, Rehiyon IX, Rehiyon X, Rehiyon XI, Rehiyon XII, at CARAGA.
Setyembre (Mga Bikolano at Masbatenyo)
[baguhin ang wikitext]Buwan ng mga Bikolano at Masbatenyo ang Setyembre. Naninirahan sila sa Rehiyon V.
Oktubre (Mga Pangasinense at Bolinao)
[baguhin ang wikitext]Buwan ng mga Pangasinense at Bolinao ang Oktubre. Naninirahan sila sa probinsya ng Pangasinan.
Nobyembre (Mga Asyano)
[baguhin ang wikitext]Itinakda ang buwan ng Nobyembre bilang Wikipedia Asian Month.
Disyembre (Mga Kapampangan)
[baguhin ang wikitext]Tinaguriang Christmas Capital ng bansa, ang tirahan mga Kapampangan at Sambal sa Pampanga, Tarlac at Zambales ay ang tampok sa buwan ng Disyembre.
Paano lumahok sa Gawain
[baguhin ang wikitext]Bilang Taga-ambag
[baguhin ang wikitext]- Maghanap ng edisyon ng Wikipedia sa wikang nais mong lahokan.
- Lumikha ng account kung wala ka pa nito.
- Pumili ng mga artikulo tungkol sa Paksa ng Buwan, subalit iyong hindi tungkol sa pangkat etnikong kinabibilangan, at simulang lumikha o isaayos an mga artikulo.
- Isulat sa summary box ang hashtag <no wiki>#WikiPHmonth</no wiki> bago ko ilathala ang mga pagbabago sa artikulo.
Bilang Tagapamahala
[baguhin ang wikitext]- Mag-organisa at magpatakbo ng patimpalak sa sariling pamayanan ng Wikipedia sa inyong wika.
- Kung mayroon na nito sa iyong lokal na Wikipedia, manghikayat ng iba pa na nais tumulong upang maging inampalan.
- Hikayatin din an mga taga-ambag at subuking maabot ang malawak na partisipasyon ng komunidad.
- Mag-organisa ng online at offline events para sa pagpatalastas ng patimpalak upang dumami ang mga kalahok.
- Kung ikaw ay may kakayahan sa public relations, maaari mong tulungang makakuha ng media coverage.
Iba pang kalahok na pamayanan
[baguhin ang wikitext]
|