Wikiquote

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Wikiquote
Wikiquote logo
Screenshot
Wikiquote screenshot 2008.png
Screenshot ng tahanang pahina ng wikiquote.org
Uri ng saytRepositoryo ng pagbanggit
Mga wikang mayroonMaraming wika (67 aktibo)[1]
Websaytwikiquote.org
Pang-komersyo?Hindi
PagrehistroOpsyonal
Katayuan sa AlexaNegative increase 8,174 (Pandaigdigan, Agosto 2020)[2]
Kasalukuyang kalagayanaktibo

Ang Wikiquote ay isa sa mga pamilya ng proyektong nakabatay sa wiki na pinapatakbo ng Pundasyong Wikimedia, na tumatakbo sa software na MediaWiki. Batay sa ideya ni Daniel Alston at ipinapatuapd ni Brion Vibber, ang hangarin ng proyekto, na nagsimula bilang isang sibol sa Tanyag na mga Pagbanggit ng Wikipedia, ay upang makagawa ng tulong-tulong na isang malawak na reprerensya ng mga pagbanggit mula sa mga prominenteng tao, aklat, pelikula, kasabihan, atbp. at upang maging maayos hangga't maari sa pagsasaalang-alang sa mga detalye ng mga banggit at makapagbigay din ng nararapat sangguniang mula sa tao ng mga pagbanggit.

Noong una, nilikha ang proyekto sa Ingles lamang noong Hulyo 2003; isang kalaunang paglawak ang isinama ang karagdagang wiki ay sinimulan noong Hulyo 2004.[3] Noong Setyembre 2021, mayroong aktibong websayt para sa Wikiquote na 67 wika[1] na binubuo ng kabuuang 257,782 artikulo at 1,546 kamakailang aktibong patunugot.[4]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Paglago ng pinakamalaking walong Wikiquot hanggang maagang 2008

Nagmula ang Wikiquote na websayt noong 2003.[5] Kinuha ang milyahe ng paglikha ng artikulo mula sa WikiStats.[3]

Petsa Kaganapan
27 Hulyo 2003
Pansamantalang paglagay sa wikang Wolof na Wikipedia (wo.wikipedia.com).
10 Hulyo 2003
Nakalikha ng sariling subdomain (quote.wikipedia.org).
25 Agosto 2003
Nakalikha ng sariling domain (wikiquote.org).
17 Hulyo 2004
Dinagdag ang mga bagong wika.
13 Nobyembre 2004
Nakaabot ang edisyong Ingles sa 2,000 pahina.
Nobyembre 2004
Naabot ang 24 wika.
Marso 2005
Naabot ang 10,000 pahina sa kabuuan. Malapit na sa 3,000 pahina ang edisyong Ingles.
Hunyo 2005
Naabot ang 34 wika, kabilang ang isang klasiko (Latin) at isang artipisyal (Esperanto)
4 Nobyembre 2005
Nakaabot ang Ingles na Wikiquote ng 5,000 pahina.
April 2006
Inalis ang Pranses na Wikiquote sa kadahilanang legal.
4 Disyembre 2006
Muling sinimulan ang Pranses na Wikiquote.
7 Mayo 2007
Nakaabot ang Ingles na Wikiquote sa 10,000 pahina.
Hulyo 2007
Umabot sa 40 wika.
Pebrero 2010
Umaabot sa kabuuang 100,000 sa lahat ng mga wika.
Oktubre 2011
Pumasok pandaidigang pinakamataas na 2500 na ranggo ng Alexa.[6]
Mayo 2016
Umaabot ang isang kabuuang 200,000 artikulo sa lahat ng mga wika.
Enero 2018
Ipinakilala ang isang kurikulum ng pambasang pakikipagsosyo sa pagitan ng mga paaralan at di-kumikita (Italya[7])

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 MediaWiki API:Sitematrix ng Wikimedia. Hinango noong Setyembre 2021 mula sa Data:Wikipedia statistics/meta.tab
  2. "alexa.com Competitive Analysis, Marketing Mix and Traffic - Alexa". www.alexa.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Agosto 2020.
  3. 3.0 3.1 "Wikiquote Statistics - Article count (official)" (sa wikang Ingles). Wikimedia. Tinago mula sa orihinal noong 29 Enero 2018. Nakuha noong 28 Enero 2018.
  4. MediaWiki API:Siteinfo ng Wikmedia. Hinango noong Setyembre 2021 mula sa Data:Wikipedia statistics/data.tab
  5. Woods, Dan; Theony, Peter (Pebrero 2011). "3: The Thousand Problem-Solving Faces of Wikis". Wikis for Dummies (sa wikang Ingles). John Wiley & Sons. pa. 58. ISBN 978-1-118-05066-8. OCLC 897595141. OL 5741003W.
  6. "Statistics Summary for wikiquote.org". Tinago mula sa orihinal noong 29 October 2011. Nakuha noong 25 April 2009.
  7. "Protocollo MIUR-Wikimedia" (sa wikang Ingles). Ministero dell'istruzione, dell'università e della ricerca. 2018-01-26. Tinago mula sa orihinal noong 28 Enero 2018. Nakuha noong 28 Enero 2018.