Wowowee
Wowowee | |
---|---|
![]() Logo ng Wowowee noong 11 Marso 2006 hanggang 29 Marso 2008 | |
Uri | Variety |
Gumawa | ABS-CBN Broadcasting Corp. |
Nagsaayos | Bobot Mortiz |
Direktor | Johnny Manahan |
Pinangungunahan ni/nina | Willie Revillame At iba pa |
Bansang pinagmulan | Pilipinas |
Paggawa | |
Oras ng pagpapalabas | 3 hours (Lunes hanggang Sabado) |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | ABS-CBN |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 5 Pebrero 2005 30 Hulyo 2010 | –
Kronolohiya | |
Sumunod sa | MTB: Ang Saya Saya |
Ang Wowowee ay isang palabas pang-telebisyon ng ABS-CBN. Ang palatuntunan ay ginaganap sa Studio 3 sa punong himpilang ng ABS-CBN sa Lungsod Quezon, Pilipinas at nagsimulang sumahimpapawid sa telebisyon noong 5 Pebrero 2005. Si Willie Revillame ang pangunahing tampok nito. Ilan lamang sa kilalang bahagi ng palatuntunan na ito ay ang Pera O Bayong na hango naman sa dating MTB o Magandang Tanghali Bayan.
Host[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga Co-host[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga ibang tampok[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Bentong
- Owen Garcia
- RR Enriquez
- Saicy Aguila
Mga Mananayaw[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Luningning - sumasayaw sa Pasalog kasabayan ni Mariposa
- Mariposa - sumasayaw sa Pasalog kasabayan ni Luningning
- Milagring - sumayaw sa Pera O Bayong
- RR - sumasayaw sa Merrygalo
- ASF Dancers
Mga Dating Co-host ng Wowowee[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Iya Villania (2005–2006) - Pinangunahan ang isang sayawang palatuntunan ng ABS-CBN na U Can Dance. Si Villania ay kasalukuyang napapanood sa ASAP '09 at Myx
- Kat Alano (2005–2006) - Paminsang-minsang lumalabas ngayon sa Studio 23
- Cheena (2006–2006)
- Janelle Jamer (2005–2007) - lumabas sa teleserye ng GMA na Forever in my Heart.
- Roxanne Guinoo(2007) - Nasa taping ng "Natutulog ba ang diyos" at "Lastikman".
- Nikki Gil (2007)
- Precious Lara Quigaman (2007–2008)
- Carmen Soo (2010)
- Isabelle Abiera (2010)
Mga Bahagi[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Pambungad na bilang - inaawit ni Willie Revillame ang temang awitin ng Wowowee
- Willie of Fortune
- Questune
- Hep Hep Hooray
- Panggitnang bilang
- Cash Bukas
- Tumpak o Sablay
- Tic Tac To Win
- Cash Motto
Trahedya sa Wowowee[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bandang alas-sais ng umaga ng 4 Pebrero 2006, mayroong hindi bababa sa 73 katao ang naapakan hanggang mamatay at mas marami sa 300 ang nasugatan nang nagkaroon ng isang stampede sa PhilSports Complex (ULTRA) stadium sa Lungsod Pasig sa Pilipinas, kung saan gaganapin ang unang taon ng palatuntunang Wowowee sa tanghali ng araw na iyon. Nagsimula ang stampede nang namahagi ang mga organizer ng palatuntunan ng tiket sa mga tao, karamihan sa mga ito ay nag-camping sa labas ng stadium ng ilang araw.
Sinasabi ng ilang sources na libu-libong tao ang nagsimulang pumila sa entrance ng stadium ang nag-panic nang mayroong sumigaw na may bomba. [1] Naka-arkibo 2006-03-05 sa Wayback Machine. Ayon kay Mayor Vicente Eusebio ng Lungsod Pasig, maaring may pagkukulang din ang mga producer at organizer dahil nalampasan na ang kapasidad ng stadium, lalo na sa bilang ng tao na naroon sa lugar na manunuod ng programa. Sinisi naman ni Philippine National Red Cross Chairman at Senador Richard Gordon ang hindi magandang organisasyon ng pangyayari sa trahedya.
Dahil sa trahedya, napagdesisyonan ng ABS-CBN na kanselahin ang programa ng isang buwan. Nangako si Gabby Lopez, pangulo ng kompanya, na mamimigay ng saklolo at pinansiyal na tulong sa mga biktima at ng kanilang pamilya.
Itinatag ni National Capital Region Police Office Director General Vidal Querol ang Task Force Ultra upang imbestigahan ang pinagmulan ng tradehya.
Ang iskandalo sa Wilyonaryo[baguhin | baguhin ang wikitext]
Noong 20 Agosto 2007 ang huling pandaraya na isang kahon na kulay violet makikita ang dalawang film na ang zero at dalawa mula sa iskandalo ng Wilyonaryo sa Wowowee.
Tingnan din[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kawing panlabas[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Wowowee sa IMDb
- Telebisyon.net: Wowowee Naka-arkibo 2007-08-23 sa Wayback Machine.