Bentong

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Bentong
KapanganakanDomingo Vusotros Brotamante Jr.
12 Enero 1964(1964-01-12)[1]
Tabaco, Albay[2]
Kamatayan9 Pebrero 2019 (edad 55)[1]
Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila[3]
NasyonalidadPilipino
HanapbuhayArtista
AsawaCecille Bernal[4]
Anak4[5]

Si Domingo Vusotros Brotamante Jr. o mas kilala bilang Bentong (Enero 12, 1964 - Pebrero 9, 2019) ay isang komedyante mula sa Pilipinas. Siya ay naging talento ng ABS CBN Network.

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinanganak si Bentong sa Tabaco, Albay noong Enero 12, 1964.[2] Bago maging artista, siya ay nasa likod ng kamera bilang nagdedekorasyon ng set at nag-oopera ng crane.[6] Bukod doon, naging kawani sa produksyon (production assistant) din siya sa ABS-CBN.[7] Hanggang binigyan siya ni Willie Revillame ng pambihirang pagkakataon na pumasok sa kanyang programa[2] at nang naglaon, lumabas siya bilang katuwang na host ni Revillame sa kanyang mga variety show, partikular ang Wowowee.[8]

Bagaman noon pa man dekada 1990, lumalabas na siya sa mga pelikula. Ang una niyang paglabas sa pelikula ay sa pelikula ni Dolphy na Home Along da Riles da Movie bilang tagapagmaneho ng karakter ni Cita Astals[9] at naka-kredito siya bilang Boyet Rotamente. Kabilang sa iba pang mga pelikulang nilabasan niya ang Jologs (2002), The Adventures of Pureza: Queen of the Riles (2011) at Shake Rattle & Roll XV (2014).[8][9] Bukod sa mga variety show sa telebisyon, lumabas din siya sa iba't ibang seryeng pantelebisyon. Isa na dito ang pagbida bilang si Mang Jules sa seryeng komedyang pangkabataan na Luv U.[8][9] Kabilang sa ilan pang mga palabas sa telebisyon na lumabas siya ang Toda Max, Home Along Da Riles[10] at Ariba! Ariba!.

Noong Pebrero 9, 2019, dinala si Bentong sa isang ospital sa Lungsod Quezon dahil sa atake sa puso dulot ng komplikasyon ng diabetes.[4] Noong mga 5:00 ng madaling araw, idineklarang patay na siya nang dumating sa ospital.[3]

Pilmograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 "Comedian 'Bentong' passes away". ABS-CBN News (sa Ingles). Pebrero 9, 2019. Hinango noong Pebrero 12, 2019.
  2. 2.0 2.1 2.2 Eusebio, Aaron Brennt (Pebrero 9, 2019). "IN PHOTOS: The rise, fall, and rise of comedian Bentong" (sa Ingles at Tagalog). GMA Network. Hinango noong Pebrero 12, 2019. Unknown parameter |webiste= ignored (tulong)
  3. 3.0 3.1 Orellana, Faye (Pebrero 11, 2019). "Family to open Bentong's wake to public for limited time". Philippine Daily Inquirer (sa Ingles). Hinango noong Pebrero 12, 2019.
  4. 4.0 4.1 {{cite news|url=https://entertainment.mb.com.ph/2019/02/09/comedian-bentong-passes-away-at-55/%7Ctitle=Comedian ‘Bentong’ passes away at 55|last=Jazul|first=Noreen|date=Pebrero 9, 2019|accessdate=Pebrero 12, 2019|language=Ingles|newspaper=[[Manila Bulletin}}
  5. "Comedian Bentong dies at 55". Rappler (sa Ingles). Pebrero 9, 2019. Hinango noong Pebrero 12, 2019.
  6. "Komedyanteng si Bentong, ikukuwento ang kanyang 'Tunay na Buhay'". GMA Network. Agosto 28, 2019. Hinango noong Pebrero 12, 2019. Unknown parameter |webiste= ignored (tulong)
  7. Orellana, Faye (Pebrero 9, 2019). "'Bentong' passes away at 55". Philippine Daily Inquirer. Hinango noong Pebrero 12, 2019.
  8. 8.0 8.1 8.2 "Comedian 'Bentong' dead at 55". CNN Philippines. Pebrero 9, 2019. Hinango noong Pebrero 12, 2019.
  9. 9.0 9.1 9.2 Villan, Tyne (Pebrero 9, 2019). "Remembering Bentong: 5 of his memorable movies and television shows". Hinango noong Pebrero 11, 2019.
  10. "Comedian 'Bentong' passes away". ABS-CBN News. Pebrero 9, 2019. Hinango noong Pebrero 12, 2019.