Pumunta sa nilalaman

Xanthippe

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Xanthippe (binibigkas na /zænˈθɪpi/; Griyego: Ξανθίππη, ika-5 daantaon - ika-4 na daantaon BCE) ay isang sinaunang Atenyana, na asawa ni Socrates at ina ng tatlong mga anak nilang lalaki: sina Lamprocles, Sophroniscus, at Menexenus. Mayroong mas maraming mga kuwentong patungkol sa kaniya kaniya kaysa sa mga katotohanan. Mas malamang na mas nakababata siya kaysa sa kay Socrates, marahil na mga 40 mga taon ang kabataan niya kay Socrates.

Ang "Xanthippe" ay may kahulugang "kabayong dilaw", mula sa Griyegong ξανθός "xanthos" (madilaw) at ἵππος "hippos" (kabayo). Ang kaniya ay isa sa maraming mga sinaunang pansariling mga pangalang Griyego na mayroong isang temang pangkabayo (maihahambing sa Philippos: "kaibigan ng mga kabayo"; Hippocrates: "nagpapaamo ng kabayo", atbp.). Ang "hippos" sa isang sinaunang pangalang Griyego ay madalas na nagmumungkahi ng may pinagmanahang aristokratiko.[1] Ang isang karagdagang dahilan para sa pag-iisip na ang mag-anak ni Xanthippe ay mahalaga o tanyag sa lipunan ay ang pagkakaroon ng pangalang Lamprocles ng kaniyang panganay na anak na lalaki, sa halip na "Sophroniscus" (buhat sa ama ni Socrates): ang sinaunang kinagawiang Griyego ay ang pagpapangalan ng unang anak mula sa mas ipinagbubunyi sa dalawang mga lolo. Ang ama ni Xanthippe ay pinaniniwalaang may pangalang Lamprocles. Dahil sa mas matatag sa aristokrasyang Atenyano kaysa sa ama ni Socrates, ang pangalan niya ay ang magiging mas gugustuhing piliin upang maging pangalan ng panganay na anak na lalaki.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Aristophanes, Clouds 60-64. Xanthippus, halimbawa, ay ang ama ni Pericles. Gayon din, ang hippeis, literal na "mangangabayo" o "mga kabalyero", ay ang pangalan ng isa sa pinaka mataas na klase o kauriang panlipunan at pang-ekonomiya ng Atenas.
  2. John Burnet 1911, Plato: Phaedo, p. 12.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May kaugnay na midya ang Xanthippe sa Wikimedia Commons