Pumunta sa nilalaman

Yazd Atash Behram

Mga koordinado: 31°54′20″N 54°20′21″E / 31.90556°N 54.33917°E / 31.90556; 54.33917
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

31°54′20″N 54°20′21″E / 31.90556°N 54.33917°E / 31.90556; 54.33917

Yazd Atash Behram

Ang Yazd Atash Behram (Persyano: یزد آتش بهرام), na kilala rin bilang Atashkadeh-e Yazd (آتشکده یزد), ay isang templong apoy ng Zoroastrianismo sa Yazd, Lalawigan ng Yazd, Iran. Isinasadambana nito ang Atash Bahram, na ibig sabihing "Nagwaging Apoy", na pinetsahang 470 PK. Isa ito sa siyam na Atash Bahram, ang natatanging mayroong pinakamataas na grado ng apoy sa sinaunang Iran kung saan nagpraktis ang mga Zoroastriano ng kanilang relihiyon mula noong 400 BK; nasa Indya ang walo pang Atash Bahram.[1][2] Ayon kay Aga Rustam Noshiravan Belivani ng Sharifabad, binuksan ng Anjuman-i Nasiri (inihalal na Zoroastrianong opisyal) ang Yazd Atash Behram noong 1960 sa mga bisitang di-Zoroastriano.

Matatagpuan ang templo sa Yazd,[3] sa silangan ng Shiraz, sa disyertong lalawigan ng Yazda, kung saan nagpapraktis ang mga Zoroastriano ng kanilang relihiyon mula noong mga 400 BK.[kailangan ng sanggunian] Matatagpuan ito sa Abenida Ayatullah Kashani sa layo ng 6 kilometro (3.7 mi) mula sa Paliparang Yazd.[4]

Unang itinayo ang mga pinakamataas na grado ng templong apoysa Imperyong Sasanida para sa pitagan sa apoy, ang pagpapakita ni Ahura Mazda sa relihiyong Zoroastrianismo.[1] Ayon sa relihiyon ng Zoroastrianismo, binenditahan ang ganitong uri ng sunog ng labing-anim na iba't ibang mga mapagkukunan, kabilang ang apoy na nilikha ng kidlat.[5]

Ayon sa isang plakang nakapirmi sa dambana, pinetsahan ang pagtatayo ng templong Yazd Atash Behram noong 1934. Ibinigay ang pondo para sa pagtatayo nito ng Kapisanan ng mga Parsing Zoroastriano ng Indya. Ginawa ang konstruksiyon sa ilalim ng patnubay ni Jamshid Amanat. Sinasabing nagniningas ang sagradong apoy ng templo mula noong mga 470 PK;[2] orihinal na sinimulan ng Sasanidang Shah nang ito ay nasa templong apoy ng Pars Karyan sa katimugang distritong Pars ng Larestan.[5] Mula roon, inilipat ito sa Aqda kung saan itinago ito nang 700 taon. Inilipat ang apoy noong 1173 sa templo ng Nahid-e Pars sa kalapit na Ardakan, kung saan nanatili ito nang 300 taon hanggang sa inilipat muli ito sa bahay ng isang mataas na saserdote sa Yazd, at sa wakas ay pinabanal sa bagong templo noong 1934.[2][6]

Naikabit ang isang busto ni Manekji Limji Hataria, na naging mahalaga sa pagpapalaki ng mga pondo para sa pagtatayo ng templo, sa presinto ng templo. Ipinapakita rin ng busto ang Zoroastrianong banal na simbolo ng Araw at Buwan.[7]

Zoroastrianong Apoy na Walang Hanggan sa Templong Apoy sa Yazd, Gitnang Iran

Itinayo ang templong apoy sa estilo ng Akemenidang arkitektura sa laryong pagkakantero sa disenyo na inihanda ng mga arkitekto mula sa Mumbai. Katulad ito sa disenyo sa mga templo ng Atash Behram sa Indya. Napapalibutan ang gusali ng hardin na may mga puno ng prutas.[8] May isang may pakpakang bathala ni Ahura Mazda na nakalagay sa harapang pintuan ng templo.[9]

Nakalagay ang sagradong apoy sa templo sa likod ng langkap na gawa sa salaming may kulay ng amber. Pinapayagan lamang makapunta ang mga Zoroastriano sa sagradong lugar ng sunog. Maaari lamang tingnan ito ng mga di-Zoroastriano mula sa labas ng kamarang salamin.[10] Nagsimulang tanggapin ni Anjuman-i Nasiri ang mga bisita na di-Zoroastriano sa Yazd Atash Behram noong dekada 1960.[11]

Galerya ng larawan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Ejaz 2010, p. 18.
  2. 2.0 2.1 2.2 Eduljee, K. E. "Yazd". Heritage Institute. Nakuha noong 13 Abril 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Iyer 2009, p. 311. harv error: multiple targets (2×): CITEREFIyer2009 (help)
  4. Giara 2002, p. 172.
  5. 5.0 5.1 Rogerson 2013, p. 140.
  6. Eduljee, K. E. "Zoroastrian Places of Worship". Heritage Institute. Nakuha noong 13 Abril 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Warden 2002, p. 32.
  8. Godrej & Mistree 2002, p. 315.
  9. Karber 2012, p. 160.
  10. Godrej & Mistree 2002, p. 285.
  11. Godrej & Mistree 2002, p. 323.

Bibliograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]