Pumunta sa nilalaman

Zheng He

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Zheng He
Bantayog ni Zheng He
Kapanganakan1371[1]
Kunyang (kasalukuyang Subdistrito ng Kunyang), Kunming, Yunnan, Tsina[1]
Kamatayan1433 (edad 61–62) o
1435 (edad 63–64)
Ibang pangalanMa He
Sanbao
Cheng Ho
TrabahoAlmirante, diplomatiko, manggagalugad, at bating o kinapon na naglilingkod sa palasyo (palace eunuch)
PanahonDinastiyang Ming

Si Zheng He (Tsino: 鄭和; Pangalan pagkapanganak: 馬三寶 / 马三宝; pinyin: Mǎ Sānbǎo; Arabe: Hajji Mahmud‎; 1371–1433 o 1435) ay ang pinakakilalang Intsik na marino at tagapaglayag. Kolektibong tinatawag ang kanyang mga paglalayag bilang ang mga paglalakbay ng "Ang Kinapong Sanbao sa Kanlurang Karagatan" (三保太監下西洋, Eunuch Sanbao to the Western Ocean) o "Si Zheng He sa Kanlurang Karagatan", mula 1405 hanggang 1433. Sa pagdating ng panahon na napuntahan na ng mga barkong Europeo ang Asya, nagalugad na ng mga barkong Intsik ang karamihan sa mga daanang pandagat. Ang pagkakaiba lamang ay hindi nagtatag ng pangmatagalang mga himpilang pangkalakalan ang mga Tsino sa mga napuntahan nila.[2]

Alinsunod sa kautusan ng Tsinong emperador, pinamunuan ni Zheng He ang pitong mga paglalakbay mula 1405 hanggang 1433 na binubuo ng 300 mga barko na naglululan ng 27,000 mga tauhan. Napuntahan nila ang Vietnam, Indonesia, Sri Lanka, Arabyang Saudi, Ehipto, at Silangang Aprika. Sa bawat pook na napuntahan ni Zheng He, humingi siya sa mga katutubong pinuno ng lugar ng pagbibigay-pugay sa emperador ng mga Tsino. Dahil sa mga paglalakbay ni Zheng He, naragdagan ang kapangyarihan at yaman ng Tsina.[2][3][4]

Zheng He
Pangalan ni Zheng He sa Tradisyonal (taas) at Pinapayak (baba) na mga Tsinong panitik
Tradisyunal na Tsino鄭和
Pinapayak na Tsino郑和

Ipinanganak si Zheng He noong 1371 sa Yunnan, sa paanan ng bulubunduking Himalaya. [4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Dreyer 2007, p. 11.
  2. 2.0 2.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who was Cheng Ho?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Explorers and Pioneers, pahina 111.
  3. https://www.britannica.com/biography/Zheng-He. Isinangguni noong ika-11 ng Mraso, 2018.
  4. 4.0 4.1 https://www.khanacademy.org/partner-content/big-history-project/expansion-interconnection/exploration-interconnection/a/zheng-he. Isinangguni noong ika-11 ng Marso, 2018.

Eksplorasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Eksplorasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.