Pumunta sa nilalaman

Parusang kamatayan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bitay)
Cesare Beccaria, Dei delitti e delle pene

Ang parusang kamatayan, pangunahing parusa, o parusang kapital, kilala rin bilang death penalty, ay isang pagbitay, o pagsasagawa ng parusang kamatayan[1][2], ng isang pamahalaan bilang parusa para sa isang krimen kadalasang tinatawag na isang opensang kapital o isang krimeng kapital. Sa kasaysayan, ginagamit ang pagbitay sa mga kriminal at mga kalaban sa politika ng halos lahat ng mga lipunan sa pamamagitan ng prosesong hudisyal o sa adhikaing pampolitika katulad ng pagsupil ng pampolitika na pagtutol. Sa mga demokratikong mga bansa sa buong mundo, karamihan ang mga Europeo at Latino Amerikanong bansa ang nagtanggal ng parusang kamatayan (maliban sa Estados Unidos, Guatemala at ng Karibe), habang pinapanatili ito ng mga demokrasya sa Asya at Aprika. Sa mga hindi demokratikong mga bansa, karaniwan ang paggamit ng parusang kamatayan.

May paglilitis ayon sa batas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa mga karamihan ng mga lugar na sinasagawa ang parusang kamatayan ngayon, nakalaan ang parusa sa mga ilang pagpaslang, pag-hijack ng sasakyang panghimpapawid, terorismo, Mga krimen laban sa sangkatauhan, Malawakang Pagpatay, krimen sa digmaan, espiya, sedisyon, pandarambong, o pagtataksil o bahagi ng katarungang militar. Sa ilang mayoryang Muslim na bansa, pinarurusahan ng kamatayan ang ilang mga krimeng sekswal, kabilang ang pangangalunya at sodomya. Sa maraming bansa, isang opensang kapital ang pangangalakal ng bawal na gamot. Sa Tsina, pinaparusahan din ng kamatayan ang seryosong mga kaso ng korupsiyon at ang pangangalakal ng tao. Sa mga militar sa buong mundo, pinaparusahan din ng kamatayan ng mga korte militar ang kaduwagan, pagpapabaya, insubordinasyon, at pag-aalsa.

Walang paglilitis at hindi ayon sa batas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang isinagawang linsamiyento sa isang babae sa Okemah, Oklahoma, Oklahoma, noong 1911.

May isa pang uri ng pagganap ng pagbitay na tinatawag na lynch (pangngalan) o lynching (ang gawain)[3] sa wikang Ingles. Tinatawag itong linsamiyento o lintsamiento (batay sa lichamiento ng Kastila),[4] o kaya Batas Lynch sa wikang Tagalog. Isa itong pagpatay na kara-karaka (o kaagad) ng maraming mga tao sa isang nagkasala o pinararatangang kriminal, na walang paglilitis ayon sa batas. Sinasabing nagmula ang salitang ito mula sa pangalan ni Charles Lynch (1736–1796) ng Virginia, Estados Unidos, isang lalaking nanggulo o nangmolestiya sa mga Loyalista noong kapanahunan ng Rebolusyong Amerikano. Ngunit sa larangan ng kasaysayan, karaniwang tumutukoy ang lynching sa pagbibitin, mula sa leeg man o patiwarik, ng mga nagngingitngit na mamamayan sa isang pinagbibintangan tao.[5] Sa kasaysayan ng Estados Unidos, dating isinasagawa ito - dahil sa diskriminasyon - sa mga taong may maitim na balat at alipin.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Execution, pagbitay, pagganap, pagsasagawa Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Bansa.org
  2. Bitay, "to execute by hanging" Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Bansa.org at Regala, Armando A.B. Regala, Geocities.com
  3. Lynch Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Bansa.org at Gutenberg.org (1915), lynch, "patayín karakaraka ng mga tao ang may sala."
  4. Literal na salin batay sa Kastilang linchamiento.
  5. "Lynching". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)