5 Seconds of Summer

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
5 Seconds of Summer
5 Seconds of Summer sa kanilang pagdalo sa Gantimpalang BRIT ng 2014 (BRIT Awards 2014) sa O2 Arena sa Londres, Inglatera. Mula sa kaliwa: Michael Clifford, Calum Hood, Luke Hemmings at Ashton Irwin.
Kabatiran
Kilala rin bilang 5SOS
Pinanggalingan Sydney, Australya
Genre Pop Punk, Pop Rock
Taong aktibo 2011–kasalukuyan
Mga tatak Capitol Records
Mga nakaugnay na akto
Sityo 5sos.com
Mga kasapi
Michael Clifford
Luke Hemmings
Calum Hood
Ashton Irwin

Ang 5 Seconds of Summer (kilala rin bilang 5SOS) ay isang Australyanong bandang pop-rock ngunit taglay rin ang mga elemento ng pop-punk.[1][2]

Nabuo sila sa Sydney noong taong 2011 at binubuo ito ng mga kasaping sina Michael Clifford (gitara, bokalista), Luke Hemmings (bokalista, gitara), Calum Hood (bahista, bokalista) at Ashton Irwin (tambol, bokalista).[3] Sila ay orihinal na sumikat mula sa YouTube, na nagpapaskil ng mga bidyo ng kanilang mga sarili habang kumakanta ng mga sariling bersiyon ng mga sikat na awitin (cover songs) noong 2011. Mula roon, nagsimula silang magkaroon ng ilang mga tagasunod noong 2012, at matapos ay nakilala sila sa ibang bansa nang imbitahan sila ng bandang Ingles-Irlandes na One Direction sa kanilang Take Me Home Tour.

Tinatawag silang boy band ng midya.[4][5][6][7] Noong Pebrero 2014, inilabas nila ang awiting She Looks So Perfect bilang paunang awitin sa ibang bansa. Nanguna ito sa mga listahan ng Australya, New Zealand, Irlanda at ng Nagkakaisang Kaharian. Ang kanilang unang studio album na sunod sa kanilang pangalan (self-titled) ay inilabas noong Hunyo 2014.

Kasaysayan[baguhin]

Pinagmulan at Paglulunsad (2011-12)[baguhin]

Nag-umpisa ang 5 Seconds of Summer noong taong 2011 nang sina Luke Hemmings, Michael Clifford, at Calum Hood (na magkakaeskuwela sa Norwest Christian College) ay nagsama-sama at nagsimulang magpaskil ng mga bidyo nila habang umaawit ng mga sariling bersiyon ng mga kanta (cover songs) sa YouTube akawnt ni Hemmings. Ang unang bidyo ni Hemmings, isang bersiyon ng kantang Please Don't Go ni Mike Posner, ay ipinaskil noong 03 Pebrero 2011.[8] Ang sarili nilang bersiyon ng sikat na awit nina Chris Brown at Justin Bieber na "Next to You" ay nakatanggap ng higit 600,000 silip (view).[9] Noong Disyembre 2011, napabilang na rin sa kanilang banda si tambolista Ashton Irwin, at nabuo na nga ang kasalukuyang komposisyon ng 5 Seconds of Summer.[10] Mula nga noon ay nakatanggap sila ng higit 5 milyong silip sa YouTube, at ng hukbo ng tagasunod sa social media na Facebook at Twitter.

Ang 5 Seconds of Summer sa kanilang pagtatanghal sa Detroit Switch Party ng Amp Radio sa Detroit, Michigan

Napukaw nila ang interes ng ilan sa mga malalaking record labels at tagapaglathala, at kalauna'y lumagda sila sa isang publishing deal ng Sony ATV Music Publishing.[11] Bagama't wala silang matatawag na malaking pagtataguyod maliban sa Facebook at Twitter,[11] ang kanilang unang labas na musika, isang EP na pinamagatang Unplugged, ay umabot sa numero 3 sa listahan ng iTunes sa Australya,[11] at pang-dalawampu naman sa New Zealand at Suwesya. Muling lumaki ang mga sumusunod sa kanila mula sa ibayong-dagat nang si Louis Tomlinson mula sa bandang Ingles na One Direction ay nagpaskil ng kawing (link) patungo sa bidyong YouTube ng banda ng kanilang awiting Gotta Get Out, at siya'y nagsabing naging tagahanga siya ng 5 Seconds of Summer "pansumandali".[12] Muling napukaw ang interes ng One Direction nang inilabas ng banda ang kanilang unang single, ang Out of My Limit noong 19 Nobyembre 2012, nang nagtuwit naman ang isa pang miyembro ng One Direction na si Niall Horan ng kawing patungo sa bidyo nito.[13]

Ginugol ng 5 Seconds of Summer ang ikalawang bahagi ng 2012 upang magsulat at buuin ang kanilang tunog kasama sina Christian Lo Russo at Joel Chapman ng bandang Australyanong Amy Meredith, kung saa'y nakasama nila ang mga ito sa pagsulat ng dalawang kantang nagtatampok sa Somewhere New na EP - ang Beside You at Unpredictable. Kasamang pinrodyus ni Joel Chapman ang EP. Inilabas ng 5 Seconds of Summer ang kanilang unang single na Out of My Limit noong 19 Nobyembre 2012, at nakatanggap ang kalakip na bidyo nito ng mahigit 100,000 silip sa unang 24 na oras nito.[14] Noong Disyembre 2012 ay lumarga ang mga miyembro sa isang lakbay-pagsulat ng awit (songwriting trip) sa Londres kung saa'y tumulong din sumulat ang iba't ibang mga mang-aawit gaya ng McFly,[15] si Roy Stride ng Scouting for Girls,[15] si Nick Hodgson ng Kaiser Chiefs,[15] si Alex Gaskarth ng All Time Low,[15] Jamie Scott,[16] Jake Gosling,[17] Steve Robson,[16] at James Bourne ng Busted.[18]

5 Seconds of Summer: Ang Paunang Studio Album (2013-kasalukuyan)[baguhin]

5 Seconds of Summer habang nagtatanghal sa entablado sa Italya

Noong 14 Pebrero 2013, inanunsiyong ang 5 Seconds of Summer ay magiging suportang akto (support act) ng bandang One Direction para sa pandaigdigang lakbay-konsiyerto (concert tour) nito ng Take Me Home.[19] Nagsimula ang pagronda sa O2 Arena sa Londres noong 23 Pebrero 2013, at sasamahan ng 5 Seconds of Summer ang One Direction sa mga palabas nito sa UK, Estados Unidos, Australya at New Zealand, kasama na ang 7 mga palabas sa Allphones Arena sa mismong bayan ng 5 Seconds of Summer sa Sydney.[20]

Habang nakapahinga sa Take Me Home Tour, umuwi ang 5 Seconds of Summer sa Australya kung saa'y bumandera sila para sa mga pambansang pagtatanghal, na ang mga petsang nakatakda rito'y napakyaw sa loob lamang ng ilang minuto. Nasa mga ganitong panahon nang magsimulang magkaroon ng kasikatan at maging mas kilala ang banda.[21] Noong 21 Nobyembre 2013, inanunsiyo ng banda na lumagda na sila sa Capitol Records.[22]

Noong 5 Pebrero 2014, ibinilang ng 5 Seconds of Summer ang kanilang paunang awitin na “She Looks So Perfect” para sa pre-order sa Tindahan ng iTunes.[23]

Ang ugnayan sa pagitan ng 5SOS at One Direction ay sumasaklaw sa parehong grupo na pinamamahalaan ng nakabase sa Londres na Modest! Management. Ito ang nagdala sa 5SOS sa pagtawag sa kanila bilang boy band ng midya.[4] Ayon naman sa mga kasapi ng banda ay hindi isang boy band ang kanilang grupo.[2] Di gaya ng maraming mga boy band, sila ang nagsusulat ng sarili nilang mga kanta, nagpapatugtog ng sarili nilang mga instrumento, at hindi maituturing na isang grupong sumasayaw.[24] Magkagayunman, nakaakit ang banda ng malaking hukbo ng mga babaeng tagasunod gaya ng ibang mga boy band.[25] Inihambing ni Ashton Irwin ang mga babaeng tagasunod ng banda sa Fall Out Boy na may malaki ring grupo ng mga babaeng tagahanga. Itinuro naman ni John Feldmann, punong mang-aawit ng bandang Goldfinger at prodyuser sa 5 Seconds of Summer, ang grupo ng mga tagahanga ng 5 Seconds of Summer sa “isang pundamental na pagbabago ng demo[grapiko]ng pop punk,” na nagbabanggit ng unti-unting paglipat ng demograpiya mula sa mayoryang mga lalaking tagapakinig ng mga mang-aawit ng unang bahagi ng dekada 90 gaya ng Blink-182 at Green Day.[26]

Noong huling bahagi ng Marso 2014, inilabas ang She Looks So Perfect sa Nagkakaisang Kaharian (UK). Sa kabila ng isang araw lang na pangununa nito sa tindahan ng iTunes sa Inglatera at sa pagtatapos ng linggo ay nasa pinakahuli ng Nangungunang Sampu (Top 10), ang 5 Seconds of Summer ay naging ikaapat na bandang Australyano na may numero unong isahang awit sa UK, at unang nakagawa nito sa loob ng 14 na taon.[27] Sa listahan nung sumunod na linggo ay bumagsak ito sa pangsampu, na siyang pinakamalaking pagbulusok mula sa numero uno mula noong bumagsak ang awitin ng McFly na “Baby’s Coming Back”/”Transylvania” mula una patungong pangdalawampu, sa ikalawang linggo rin nito sa talaan ng UK. Noong 5 Marso 2014, inanunsiyong muli nilang sasamahan ang One Direction sa kanilang lakbay-konsiyerto bilang suportang akto sa kanilang 2014 Where We Are Tour sa Estados Unidos, Kanada, UK at Europa.[28] Noong 9 Abril 2014, nag-umpisa ang She Looks So Perfect EP sa ikalawang puwesto sa Billboard 200.[29]

Noong 13 Mayo 2014, inanunsiyo ng banda na ang kanilang paunang album, na pinangalanang 5 Seconds of Summer, ay ilalabas sa 27 Hunyo 2014 sa Europa at Australya, na may kasunod pang ibang mga awiting ilalabas. Nagwagi ang album ng gantimpalang Kerrang!;[30] sinabi ni Luke Hemmings na isang tunay na karangalang magwagi nito, dahil ang kanilang mga idolong banda’y nasa Kerrang! din.[31]

Impluwensiya[baguhin]

Ayon sa banda, nagbigay-inspirasyon sa kanila ang mga bandang McFly, Blink-182, All Time Low, Green Day, Mayday Parade, Boys Like Girls, at Busted.[10][32]

Mga Kasapi ng Banda[baguhin]

Michael Clifford[baguhin]

Si Michael Gordon Clifford[33][34] ay ipinanganak noong 20 Nobyembre 1995 (edad 18).[33] Bukod sa may dugong Australyano, siya rin ay may dugong Ingles, Eskoses, Irlandes, at Aleman.[35] Ang kanyang ina ay si Karen Clifford at siya ay nag-iisang anak.[33][36] Nag-aral siya sa Norwest Christian College at doo'y naging kaklase niya sina Hemmings at Hood.[37] Siya ang lumikha ng pangalan ng banda, 5 Seconds of Summer, habang sila ay nag-aaral.[38] Siya ay gitarista at bokalista sa grupo.[39]

Luke Hemmings[baguhin]

Si Luke Robert Hemmings[40][34] ay ipinanganak noong 16 Hulyo 1996 (edad 18) sa Sydney, Australya,[40] at ang pinakabata sa grupo. Ang kanyang mga magulang ay sina Andrew at Liz Hemmings,[40] at may dalawa siyang kapatid, sina Ben at Jack.[40][36] Nag-aral siya sa Norwest Christian College kung saan naging kaklase niya sina Clifford at Hood.[40][37] Siya ang orihinal na lumikha ng opisyal na akawnt ng kasalukuyang 5 Seconds of Summer sa YouTube, at unang nagkarga ng bidyo ng kanyang pag-awit na "Please Don't Go."[40] Siya ang gitarista at kasalukuyang pangunahing bokalista ng banda.[39]

Calum Hood[baguhin]

Si Calum Thomas Hood[41][34] ay ipinanganak noong 25 Enero 1996 (edad 18).[41] Siya ay may dugong Eskoses at Kiwi.[41][42] Ang kanyang ina ay si Joy Hood na mula sa New Zealand[41] at may kapatid siyang si Mali Koa, na dating sumali sa edisyong Australyano ng The Voice.[41][36] Nag-aral siya sa Norwest Christian College at naging kaklase sina Clifford at Hemmings at binuo nila ang 5 Seconds of Summer habang sila ay nag-aaral.[37] Napili siyang maging kinatawan ng Australya sa larong futbol at ipinadala sa Brazil noong 2012 subalit binitiwan niya ito upang makapagpokus siya sa karera niya sa banda.[41][43] Siya ay bokalista at ang kasalukuyang bahista ng grupo.[39]

Ashton Irwin[baguhin]

Si Ashton Fletcher Irwin[44][34] ay ipinanganak noong 7 Hulyo 1994 (edad 20) sa Hornsby, Australya.[44] Ang kanyang ina ay si Anne Marie Irwin at may dalawa siyang kapatid, sina Harry at Lauren.[44][36] Nag-aral at nagtapos siya ng sekundarya sa Richmond High School.[37] Dati rin niyang sinubukang sumali sa edisyong Australyano ng The X Factor noong 2010.[44][45] Minsan din siyang naging bahagi ng dalawahang grupong may pangalang Swallow The Goldfish kasama ang kanyang kaibigan.[44][46] Naging bahagi siya ng banda noong Disyembre 2011 at mula noon ay tumutugtog na kasama sina Clifford, Hemmings, at Hood.[47] Siya ay bokalista at ang kasalukuyang tambolista ng 5 Seconds of Summer.[39]

Paglalakbay[baguhin]

Pambukas na Akto[baguhin]

Sariling Pagtatanghal[baguhin]

Mga Parangal at Nominasyon[baguhin]

Billboard Mid-Year Music Awards[baguhin]

Ang Billboard ay isang magasing pangmusika sa Amerika, na nakabase sa Lungsod ng New York, New York at pagmamay-ari ng Prometheus Global Media.

Year Nominado Parangal Resulta
2014 5 Seconds of Summer Breakout Star Nominado

Channel V[baguhin]

Ang Channel V ay isang pangalang-tatak (brand name) para sa maramihang pandaigdigang estasyon ng telebisyong pangmusikang pagmamay-ari ng STAR TV at Fox International Channels, mga buong pagmamay-aring sangay ng 21st Century Fox.

Year Nominado Parangal Resulta
2013 5 Seconds of Summer Oz Artist Award Nanalo

Kerrang![baguhin]

Ang Gantimpalang Kerrang ay naging isa sa mga pinakakinikilalang kaganapang-parangal sa Britanya ng dating Guinness Book of British Hit Singles & Albums, na madalas nagtatala ng ilan sa mga nagwagi sa kanilang taunang round-up ng nakaraang taon. Ang pangyayaring ito'y palaging pinangungunahan ng mga malalaking artista sa musika, na dinadaluhan din ng mga nasa labas ng industriya.

Year Nominado Parangal Resulta
2014 5 Seconds of Summer Best International Newcomer presented by Troxy Nanalo

MTV Awards[baguhin]

Year Nominado Parangal Resulta
2014 5 Seconds of Summer Buzzworthy's Favorite Breakthrough Band Nanalo

MTV Europe Music Awards[baguhin]

Ang Gantimpalang Pangmusika ng MTV sa Europa (MTV Europe Music Awards o EMA) ay itinatag noong 1994 ng MTV Networks Europe upang ipagdiwang ang mga pinakapopular na mga bidyo-awit sa Europa.

Year Nominado Parangal Resulta
2014 5 Seconds of Summer Best Push Act Nominado

MTV Video Music Awards[baguhin]

Ang Amerikanong Gantimpalang Bidyo-Awit ng MTV (MTV Video Music Awards o VMAs) ay isang palabas-gantimpala ng cable network na MTV upang parangalan ang mga nangunang bidyo-awit ng taon.

Year Nominado Parangal Resulta
2014 "She Looks So Perfect" Mang-aawit na Aabangan Nominado
"Don't Stop" Pinakamahusay na Lirikong Bidyo Nanalo

MuchMusic Video Awards[baguhin]

Ang MuchMusic Video Awards (kilala rin bilang MMVAs) ay mga taunang parangal na ipinagkakaloob ng Kanadyanong music video channel na MuchMusic upang parangalan ang mga pinakamahuhusay na mga bidyo-awit ng taon.

Year Nominado Parangal Resulta
2014 "She Looks So Perfect" Internasyunal na Bidyo ng Taon - Grupo Nominado

Neox Fan Awards[baguhin]

Ang Neox Fan Awards ay ipinagkakaloob taun-taon mula 2012 ng Espanyol na grupong midya na Atresmedia sa pakikipag-ugnayan sa The Coca-Cola Company, kung saan ang Fanta ang pangunahing isponsor ng parangal.

Year Nominado Parangal Resulta
2014 5 Seconds of Summer Pinakamahusay na Bagong Mang-aawit ng Taon Nominado

Nickelodeon Kids Choice Awards[baguhin]

Ang Nickelodeon Kids' Choice Awards, kilala rin bilang KCAs o Kids Choice Awards, ay isang taunang palabas-gantimpala na ipinalalabas sa Nickelodeon cable channel, na kadalasang ginaganap ng Sabado ng gabi sa huling bahagi ng Marso o simula ng Abril, na nagpaparangal sa mga pinakamamalaking karakter sa telebisyon, pelikula at musika ng taon, na pinagpilian ng mga manonood ng Nickelodeon.

Year Nominado Parangal Resulta
2014 5 Seconds of Summer Aussies' Fave Hot New Talent Nanalo

Rockbjörnen[baguhin]

Ang Rockbjörnen ay isang gantimpalang pangmusika sa Suwesya, na nahahati sa iba't-ibang kategorya, na iginagawad taun-taon ng diyaryong Aftonbladet. Ang premyo'y unang iginawad noong 1979, at kadalasang nakatuon sa pop at rock.

Year Nominado Parangal Resulta
2014 "She Looks So Perfect" Årets utländska låt (Pinakamahusay na Awiting Banyaga) Nominado

Teen Choice Awards[baguhin]

Ang Teen Choice Awards ay itinatag noong 1999 upang parangalan ang mga pinakamamalaking mga nakamit sa musika, pelikula, palakasan, at telebisyon ng taon na pinagbotohan ng mga kabataaang edad 13 hanggang 19.

Year Nominado Parangal Resulta
2014 "Amnesia" Choice Music: Break-Up Song Nominado
5 Seconds of Summer Choice Music: Breakout Group Nanalo
Choice Music: Group Nominado
Choice Summer: Music Group Nanalo
"She Looks So Perfect" Choice Music: Song – Group Nominado

TRL Awards (Italya)[baguhin]

Ang The TRL Awards ay itinatag noong 2006 ng MTV Italya upang ipagdiwang ang mga pinakasikat na mga mang-aawit at mga bidyo-awit sa Italya.

Year Nominado Parangal Resulta
2014 5 Seconds of Summer Best Artist from the World Nominado
Best New Artist
5SOS fam Best Fans

We Love Pop Awards[baguhin]

Year Nominated Award Result
2014 5 Seconds of Summer Best Band Nominado
Best Newcomer
5SOS fam Best Fandom
"She Looks So Perfect" Best Summer Anthem
Ashton Irwin Fittest Boy on the Planet
Calum Hood
Luke Hemmings
Michael Clifford
Ashton Irwin Nicest Pop Star

World Music Awards[baguhin]

Ang World Music Awards ay isang pandaigdigang palabas-gantimpalang itinatag noong 1989 na taun-taong nagpaparangal sa mga mang-aawit batay sa pandaigdigang kita na ibinigay ng International Federation of the Phonographic Industry (IFPI).

Year Nominado Parangal Resulta
2014 5 Seconds of Summer World's Best Group Nominado
World's Best Live Act
"She Looks So Perfect" World's Best Song
"Wherever You Are"
"She Looks So Perfect" World's Best Video
"Wherever You Are"

Young Hollywood Awards[baguhin]

Ang Young Hollywood Awards ay isang gantimpalang ipinagkakaloob taun-taon na nagpaparangal sa mga pinakamalalaking nakamit ng taon sa larangan ng musikang pop, pelikula, palakasan, telebisyon, fashion, at marami pa, na pinagbotohan ng mga kabataang edad 13–19 at mga kabataang may edad.

Year Nominado Parangal Resulta
2014 5 Seconds of Summer Breakout Music Artist Nominado

Mga sanggunian[baguhin]

Maliban kung tuwirang tutukuyin, ang lahat ng mga sanggunian ay orihinal na nakasulat sa wikang Ingles. Isinalin ang mga bahagi ng pinagkunang pahinang web batay sa konsepto at pagkakaunawa ng mga sumulat ng artikulo.

  1. Midgarden, Cory (23 Abr 2014). "5 Seconds Of Summer’s New York City Fans Are Like ‘A Good Version’ Of Tinder". MTV News. http://www.mtv.com/news/1726655/5-seconds-of-summer-new-york-concert. Hinango noong 17 Ago 2014. 
  2. 2.0 2.1 Smirke, Richard (08 Abr 2014). "5 Seconds of Summer Goes Global - But They're Not The Next One Direction". Billboard. http://www.billboard.com/articles/columns/pop-shop/6042193/5-seconds-of-summer-goes-global-but-theyre-not-the-next-one. Hinango noong 17 Ago 2014. 
  3. "5 Seconds Of Summer - The Band You Should Be Obsessing Over". http://www.thehothits.com/news/30974/5-seconds-of-summer---the-band-you-should-be-obsessing-over. Hinango noong 24 Ago 2013. 
  4. 4.0 4.1 Knopper, Steve (09 Abr 2014). "On the Charts: Aussie Boy Band 5 Seconds of Summer Almost Top 'Frozen'". Rolling Stone. http://www.rollingstone.com/music/news/on-the-charts-aussie-boy-band-5-seconds-of-summer-almost-top-frozen-20140409. Hinango noong 17 Ago 2014. 
  5. Good, Jenna (19 Mayo 2014 10:13 GMT). "The ultimate compliment! One Direction's Liam Payne is 'jealous' of Sydney boy band 5 Seconds of Summer's musical talents". Mail Online. http://www.dailymail.co.uk/tvshowbiz/article-2631646/The-ultimate-praise-One-Directions-Liam-Payne-jealous-Sydney-boy-band-5-Seconds-Summers-musical-talents.html. Hinango noong 17 Ago 2014. 
  6. Lawrence, Jesse (22 Peb 2014 11:19 AM). "Is 5 Seconds Of Summer The New Kid On The Boy Band Block?". Forbes. http://www.forbes.com/sites/jesselawrence/2014/02/22/is-5-seconds-of-summer-the-new-kid-on-the-boy-band-block. Hinango noong 17 Ago 2014. 
  7. Weston, Tamara (Abril 2014). "5 Seconds Of Summer Is Your Next Favorite Boy Band (They're One Direction-Approved!)". TeenVogue. http://www.teenvogue.com/entertainment/music/2014-04/5-seconds-of-summer-5sos-interview. Hinango noong 17 Ago 2014. 
  8. "Please dont go (cover) Mike Posner". 03 Peb 2011. https://www.youtube.com/watch?v=CUDcZsNEA1Y. Hinango noong 17 Ago 2014. 
  9. Langlands, Alex (14 Mayo 2012). "Meet 5 Seconds Of Summer, Your Hosts For This Evenings Entertainment". http://musicfeeds.com.au/features/meet-5-seconds-of-summer-your-hosts-for-this-evenings-entertainment. Hinango noong 24 Ago 2013. 
  10. 10.0 10.1 Fuamoli, Sosefina (19 Dis 2012). "the AU interview: 5 Seconds of Summer (Sydney)". http://www.theaureview.com/interviews/the-au-interview-5-seconds-of-summer-sydney. Hinango noong 17 Ago 2014. 
  11. 11.0 11.1 11.2 Creswell, Toby (30 Hul 2012). "Smells like teen spirit". The Age. http://www.theage.com.au/entertainment/music/smells-like-teen-spirit-20120730-2397m.html. Hinango noong 31 Ago 2014. 
  12. Tomlinson, Louis (6 Nob 2012). "Louis Tomlinson Twitter". Twitter. https://twitter.com/Louis_Tomlinson/status/265830664585240576. Hinango noong 19 Set 2014. 
  13. Horan, Niall (27 Nob 2012). "Just been showed this video – TUNNNEEEEE!". Twitter. https://twitter.com/NiallOfficial/status/273154582056673281. Hinango noong 19 Set 2014. 
  14. Mccabe, Kathy (18 Nob 2012 23:00). "Sydney teen band 5 Seconds Of Summer is getting hot in the UK". Herald Sun. http://www.heraldsun.com.au/news/national/sydney-teen-band-5-seconds-of-summer-is-getting-hot-in-the-uk/story-fndo317g-1226519114708?nk=4fbc2ed97faf6ecd336064f9a9a7270c. Hinango noong 19 Set 2014. 
  15. 15.0 15.1 15.2 15.3 Moss, Liv (28 Mar 2014). "Who are 5 Seconds Of Summer?". Official Charts Company. http://www.officialcharts.com/chart-news/who-are-5-seconds-of-summer-2860/. Hinango noong 19 Set 2014. 
  16. 16.0 16.1 Aquilina, Jessica (15 Peb 2013). "Local boys to play support for One Direction tour". Hills News. http://www.hillsnews.com.au/story/1304158/local-boys-to-play-support-for-one-direction-tour/. Hinango noong 19 Set 2014. 
  17. Goodwyn, Tom (21 Mar 2014). ""Retaining your own individuality is the most important thing" – hmv.com talks to 5 Seconds Of Summer, Part I". hmv.com. http://www.hmv.com/music/-retaining-your-own-individuality-is-the-most-important-thing-hmv-com-talks-to-5-seconds-of-summer-part-i. Hinango noong 19 Set 2014. 
  18. Mccabe, Kathy (18 Peb 2013 00:00). "Things are hotting up for 5 Seconds Of Summer". The Daily Telegraph Australia. http://www.dailytelegraph.com.au/entertainment/sydney-confidential/things-are-hotting-up-for-5-seconds-of-summer/story-e6frewz0-1226579803306. Hinango noong 19 Set 2014. 
  19. Mccabe, Kathy (14 Peb 2013 20:05). "One Direction picks× Australian band 5 Seconds Of Summer as support act for world tour". news.com.au. http://www.news.com.au/entertainment/music/one-direction-picks-australian-band-5-seconds-of-summer-as-support-act-for-world-tour/story-e6frfn09-1226578230753. Hinango noong 19 Set 2014. 
  20. "One Direction Tour Dates & Tickets". http://www.onedirection.net/tour-dates/#united-kingdom. Hinango noong 19 Set 2014. 
  21. "5 Seconds Of Summer Announce Australian Tour". The Hot Hits. http://www.thehothits.com/news/39953/5%20Seconds%20Of%20Summer%20Announce%20Australian%20Tour. Hinango noong 19 Set 2014. 
  22. "5 Seconds Of Summer Got Signed To Capitol Records". The Hot Hits. http://www.thehothits.com/news/43471. Hinango noong 19 Set 2014. 
  23. "She Looks So Perfect - Single by 5 Seconds Of Summer". iTunes. https://itunes.apple.com/au/album/she-looks-so-perfect-single/id807522359. Hinango noong 19 Set 2014. 
  24. Margaret, Mary (12 Abr 2014 15:15). "Frozen’s Big Competition: 5 Things to Know About 5 Seconds of Summer". People. http://www.people.com/people/article/0,,20806027,00.html. Hinango noong 19 Set 2014. 
  25. Lewak, Doree (22 Abr 2014 15:15). "5 Seconds of Summer uber-fans storm NYC in boy band mania". New York Post. http://nypost.com/2014/04/22/5-seconds-of-summer-uber-fans-storm-nyc-in-boy-band-mania/. Hinango noong 19 Set 2014. 
  26. Shultz, Cara Lyn (04 Ago 2014 15:15). "5 Seconds of Summer: 'If Anyone Puts Us Down, We Don’t Care'". New York Post. http://www.billboard.com/articles/news/6205128/5-seconds-of-summer-if-anyone-puts-us-down-we-dont-care. Hinango noong 19 Set 2014. 
  27. "5SOS triumph in UK singles charts". BBC. 30 Mar 2014 18:00. http://www.bbc.com/news/entertainment-arts-26813060. Hinango noong 19 Set 2014. 
  28. Lawrence, Jesse (05 Mar 2014 12:20). "One Direction's Where We Are Tour Gets Jolt With 5 Seconds Of Summer As Opening Act". Forbes. http://www.forbes.com/sites/jesselawrence/2014/03/05/one-directions-where-we-are-tour-gets-jolt-with-5-seconds-of-summer-as-opening-act/. Hinango noong 19 Set 2014. 
  29. Cashmere, Paul (09 Abr 2014). "5 Seconds Of Summer Debuts At No 2 In USA". Noise11. http://www.noise11.com/news/5-seconds-of-summer-debuts-at-no-2-in-usa-20140409. Hinango noong 19 Set 2014. 
  30. "Kerrang! Awards 2014: 5 Seconds Of Summer, You Me At Six Win Big". MTV UK. 13 Hun 2014 10:59. http://www.mtv.co.uk/architects/news/kerrang-awards-2014-5-seconds-of-summer-you-met-at-six-take-home-awards-see-winners-here. Hinango noong 19 Set 2014. 
  31. Cabooter, James (13 Hun 2014). "5 Seconds Of Summer win Kerrang! award after supporting 1D". Daily Star. http://www.dailystar.co.uk/showbiz/playlist/383598/5-Seconds-Of-Summer-win-Kerrang-award-after-supporting-1D. Hinango noong 19 Set 2014. 
  32. DeVille, Chris (17 Abr 2014 16:59). "The Week In Pop: 5 Seconds Of Summer And The Evolution Of Pop-Punk Boy Bands". Stereogum. http://www.stereogum.com/1676167/the-week-in-pop-5-seconds-of-summer-and-the-evolution-of-pop-punk-boy-bands/franchises/the-week-in-pop/. Hinango noong 19 Set 2014. 
  33. 33.0 33.1 33.2 "50 Facts About Michael Clifford". The Fact Site. http://www.thefactsite.com/2014/08/michael-clifford-facts-5sos.html. Hinango noong 15 Okt 2014. 
  34. 34.0 34.1 34.2 34.3 "55 Red Hot 5 Seconds of Summer Facts!". The Hits Radio. 26 Mar 2014. http://www.thehitsradio.com/gallery/?gid=2963#25. Hinango noong 15 Okt 2014. 
  35. "55 Red Hot 5 Seconds of Summer Facts!". The Hits Radio. 26 Mar 2014. http://www.thehitsradio.com/gallery/?gid=2963#38. Hinango noong 15 Okt 2014. 
  36. 36.0 36.1 36.2 36.3 "55 Red Hot 5 Seconds of Summer Facts!". The Hits Radio. 26 Mar 2014. http://www.thehitsradio.com/gallery/?gid=2963#26. Hinango noong 14 Okt 2014. 
  37. 37.0 37.1 37.2 37.3 "55 Red Hot 5 Seconds of Summer Facts!". The Hits Radio. 26 Mar 2014. http://www.thehitsradio.com/gallery/?gid=2963#8. Hinango noong 14 Okt 2014. 
  38. "55 Red Hot 5 Seconds of Summer Facts!". The Hits Radio. 26 Mar 2014. http://www.thehitsradio.com/gallery/?gid=2963#4. Hinango noong 14 Okt 2014. 
  39. 39.0 39.1 39.2 39.3 "55 Red Hot 5 Seconds of Summer Facts!". The Hits Radio. 26 Mar 2014. http://www.thehitsradio.com/gallery/?gid=2963#3. Hinango noong 14 Okt 2014. 
  40. 40.0 40.1 40.2 40.3 40.4 40.5 "50 Facts About Luke Hemmings". The Fact Site. http://www.thefactsite.com/2014/06/luke-hemmings-facts-5sos.html. Hinango noong 15 Okt 2014. 
  41. 41.0 41.1 41.2 41.3 41.4 41.5 "50 Facts About Calum Hood". The Fact Site. http://www.thefactsite.com/2014/07/calum-hood-facts-5sos.html. Hinango noong 15 Okt 2014. 
  42. "55 Red Hot 5 Seconds of Summer Facts!". The Hits Radio. 26 Mar 2014. http://www.thehitsradio.com/gallery/?gid=2963#27. Hinango noong 14 Okt 2014. 
  43. "55 Red Hot 5 Seconds of Summer Facts!". The Hits Radio. 26 Mar 2014. http://www.thehitsradio.com/gallery/?gid=2963#46. Hinango noong 15 Okt 2014. 
  44. 44.0 44.1 44.2 44.3 44.4 "50 Facts About Ashton Irwin". The Fact Site. http://www.thefactsite.com/2014/07/ashton-irwin-facts-5sos.html. Hinango noong 15 Okt 2014. 
  45. "55 Red Hot 5 Seconds of Summer Facts!". The Hits Radio. 26 Mar 2014. http://www.thehitsradio.com/gallery/?gid=2963#33. Hinango noong 15 Okt 2014. 
  46. "55 Red Hot 5 Seconds of Summer Facts!". The Hits Radio. 26 Mar 2014. http://www.thehitsradio.com/gallery/?gid=2963#55. Hinango noong 15 Okt 2014. 
  47. "55 Red Hot 5 Seconds of Summer Facts!". The Hits Radio. 26 Mar 2014. http://www.thehitsradio.com/gallery/?gid=2963#9. Hinango noong 14 Okt 2014. 
  48. The Hot Hits (12 Set 2012). "5 Seconds of Summer Join Hot Chelle Rae's Australian Tour". http://www.thehothits.com/news/34218/5-seconds-of-summer-join-hot-chelle-rae%27s-australian-tour. Hinango noong 07 Set 2014. 
  49. Poppy Reid (14 Peb 2013). "Sydney's 5 Seconds of Summer support 1D on World Tour". http://www.themusicnetwork.com/music-news/live/2013/02/15/sydneys-5-seconds-of-summer-support-1d-on-world-tour/. Hinango noong 07 Set 2014. 
  50. NovaFM (17 Hul 2012). "5 Seconds of Summer Twenty Twelve Tour". http://www.novafm.com.au/article/5-seconds-summer-twenty-twelve-tour. Hinango noong 07 Set 2014. 
  51. Under The Radar. "Under The Radar NZ". http://www.undertheradar.co.nz/gig/29477/5-Seconds-Of-Summer-AUS.utr. Hinango noong 07 Set 2014. 
  52. "5 Seconds of Summer Announce 2014 UK Tour Agh!". http://www.sugarscape.com/main-topics/music/989570/5-seconds-summer-announce-2014-uk-tour-agh. Hinango noong 07 Set 2014. 
  53. Lucy Wood (05 Mar 2014). "5 Seconds of Summer announces 5 Countries 5 Days European Tour". http://www.sugarscape.com/node/1023050. Hinango noong 07 Set 2014. 
  54. "There's No Place Like Home Tour". 07 Set 2014. http://5sos-official.tumblr.com/post/80200061715. Hinango noong 10 Hul 2014. 
  55. "'ROCK OUT WITH YOUR SOCKS OUT' 2015 UK & EUROPEAN TOUR !". 07 Set 2014. http://www.5sos.com/rock-socks-2015-uk-european-tour/. Hinango noong 10 Hul 2014. 
  56. "5 SECONDS OF SUMMER". 5sos-official.tumblr.com. 17 Hul 2014. http://5sos-official.tumblr.com/post/92087205293/. Hinango noong 07 Set 2014. 
  57. "5 SECONDS OF SUMMER". 5sos-official.tumblr.com. 30 Hul 2014. http://5sos-official.tumblr.com/post/93313551973/. Hinango noong 07 Set 2014.