Laruang pantalik

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Isang instrumentong nilikha upang paigtingin ang pantaong kasarapang sekswal ang laruang pantalik, katulad ng dildo o vibrator. Idinisenyo ang karamihan sa mga laruang pantalik na ito upang iwangis sa mga ari ng tao at maaaring gumagalaw o hindi. Maaari ring isali sa terminong ito ang mga aparatong BDSM at kasangkapang pantalik gaya ng mga sakbat, subalit hindi sakop nito ang pagpigil sa pag-aanak, pornograpiya o mga condom. Kabilang sa mga alternatibong tawag dito ang laruang pangmatanda at tulong sa mag-asawa. Kaiba sa unang nabanggit, mas malawak ang sakop ng tulong sa mag-asawa at ginagamit na tumutukoy sa mga droga at halaman na ibinibenta upang di-umano’y mas mapasarap at mapahaba ang pagtatalik. Kadalasang ibinebenta sa tindahang pantalik ang mga laruang pantalik.

Erotic electrostimulation Ang erotic electrostimulation ay isang uri ng laruang pantalik na para sa parehong kalalakihan at kababaihan .

Kasangkapang Erotiko Sadyang hinulma ang kasangkapang erotiko para sa kaginhawaan, mga antas ng pagtagos, at pagpapasigla.