Pagtatalik na pangsuso

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isang magkaparehang lalaki at babae na nagsasagawa ng pagtatalik na pangsuso.

Ang Pagtatalik na pangsuso (Ingles: mammary intercourse, at mga salitang balbal na titty-fucking, titfuck, tit wank, French fuck,[1]; Hapones: パイズリ o paizuri na mula sa おっぱい o oppai, bastos na pananalita para sa suso.[2][3]) ay naglalarawan ng isang gawaing pangpagtatalik, na isinasagawa bilang pagroromansa o bilang isang pagtatalik na walang pagpapasok, na kinasasangkutan ng estimulasyon ng titi ng lalaki at ang estimulasyon ay isinasagawa sa pamamagitan ng mga suso ng isang babae. Sa pangkaraniwan, kinasasangkutan ang gawaing pangpagtatalik na ito ng paglalagay ng lalaki ng kanyang titi sa pagitan ng dalawang mga suso at pag-indayog ng titi sa pagitan ng mga suso, habang ang mga suso ay pinipisil o idinidiin sa paligid ng titi para sa karagdagang estimulasyon. Maaaring samahan ang pagtatalik na pangsuso ng pagsubo sa titi.

Kaligtasang pangpagtatalik[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa kadahilanan na ang pakikipagtalik sa pamamagitan ng suso ay isang gawaing pangpagtatalik na hindi ginagamitan ng penetrasyon o pagpapasok ng ari ng lalaki, ang panganib ng pagpapasa ng isang sakit na naipapasa sa pakikipagtalik, na nangangailangan ng tuwirang ugnayan sa pagitan ng mga membranong mukosa at likidong nauuna sa tamod o semen, ay malakihan ang pagkabawas. Ang HIV ay kabilang sa mga karamdamang nangangailangan ng tuwirang ugnayan, kaya't hindi maihahawa sa pamamagitan ng pakikipagtalik na ginagamitan ng mga suso.[4] Isang pag-aaral ng gawi sa paggamit ng kondom ng mga naghahanapbuhay na pangpagtatalik ang nagsabi na nag-aalok sila ng sari-saring mga pamalit na may kaugnayan sa ligtas na pakikipagtalik o mga pamalit na pamamaraan ng pagtatalik sa halip na pagtatalik na pampuki, lalo na sa mga kliyenteng tumatangging magsuot ng kondom. Isang manggagawang pangpagtatalik ang nagsaad na isa ang pagtatalik na pangsuso sa mga ginagamit na pamalit; ang pagtatalik na pangsuso na isinasagawa ng isang babaeng may malalaking mga suso, ayon sa isang parokyano, ay may damdaming katulad ng nararanasan sa pagtatalik na ipinapasok ang titi sa puki.[5]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Godson, pahina 96.
  2. Bacarr, 2004, pahina 150
  3. Constantine, 1992, p. 110
  4. Kelly, Jeffrey A (Oktubre 1995). "Advances in HIV/AIDS education and prevention". Family Relationship 44 (4): 345–352. doi:10.2307/584989. ISSN: 0197-6664. 
  5. Davis, 1996, pahina 125-127