Petisismong seksuwal

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang mga paa ay maaaring maging isang bahagi ng katawan na nakakapukaw na damdaming seksuwal. Pati na ang suot na mahabang medyas ng babaeng nasa larawan.

Ang Petisismong seksuwal o petisismong erotiko, ay ang pagkaantig na seksuwal na natatanggap ng isang tao mula sa isang pisikal na bagay, o mula sa isang espesipikong sitwasyon. Ang obheto o kalagayang kinahihiligan ay tinatawag na petis (bagay na nakakaantig o bagay na nakakapukaw) o fetish sa Ingles. Ang taong may fetish para sa bagay o sitwasyong iyon ay tinatawag na petisista.[1] Ang seksuwal na petisismo ay maaaring ituring, sa medisinang pangsikatriya, bilang isang kaguluhan o disorden ng preperensiya o kanaisang seksuwal o bilang isang nakapagdaragdag o nakapagpapaibayong elemento sa isang ugnayan na nagdurulot ng isang mas mainam na pagkakabuklod na seksuwal sa pagitan ng mga magkakapareha.[2] Ang pagkapukaw mula sa isang partikular na bahagi ng katawan ay ikinaklasipika bilang parsiyalismo.[kailangan ng sanggunian]

Ayon sa Gabby's Dictionary, ang petisismong seksuwal ay isang kakaiba o kakatwang pagkakaroon ng pagnanasang pangpagtatalik o kalibugan na may kaugnayan ng isang bagay o bahagi ng katawan ng tao, halimbawa na ang pagkagusto sa panti, bra, o baba.[3]

Mga sanggunian[baguhin]