Paskwa

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tungkol sa pagdiriwang Kristyano ang artikulong ito. Para sa pagdiriwang Hudyo, tingnan ang Pesaḥ. Para sa ibang gamit, tingnan ang Paskwa (paglilinaw).

Ang Paskwa[1], Paskua[2], o Paskuwa[3] (Inggles: Passover[4]) ay isang kapistahang Kristyano. Ipinagdiriwang nito ang pagkakaligtas ng mga Ebreo mula sa Ehipto. Nagmula ang pangalan nitong Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa sa pagsasagawa ng hindi paggamit ng pampaalsa o lebadura sa paggawa ng tinapay sa loob ng linggong ito. Isinasagawa ito mula ika-15 hanggang ika-22 araw sa buwan ng Nisan, na nasa unang mga linggo ng Abril.[4] Sa Bibliya, matatagpuan ito sa Kabanata 13 ng Aklat ng Eksodo.[1]

Kordero ng Paskwa[baguhin | baguhin ang batayan]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Kabilang sa oras ng pagkain o selebrasyong ito ang Kordero ng Paskwa o Batang Tupa[5] ng Paskwa (kilala sa Ingles bilang Passover Lamb). Batay sa kasaysayan, pumatay ng isang batang tupa, ang kordero[5], ang mga Hudyo noong unang Paskwa at inilagay o ipinahid ang dugo nito sa salalayan o balangkas (palibot na patigas) ng mga pintuan ng mga bahay ng mga tao upang "dumaan sa ibabaw" (pariralang "pass over" sa Ingles) ng tahanan ng mga tao ang Diyos at masagip, maligtas, o hindi masali sa kukuhaning mga buhay ng Diyos ang kanilang mga panganay na anak na lalaki.[6] Pinatay ng Anghel ng Kamatayan ang lahat ng mga panganay sa mga tahanan ng mga Ehipsiyo, subalit dumaan lamang ito sa ibabaw at hindi kinuha o pinaslang ang mga nasa tahanang Ebreo.[4]

Paghahambing kay Hesus[baguhin | baguhin ang batayan]

Ayon sa Bagong Tipan ng Bibliya, si Hesus ang naging "Kordero ng Paskwa" para sa lahat ng mga tao ng Diyos. Inialay si Hesus upang maligtas ang mga tao mula sa kasalanan at kamatayan.[6] Si Hesus ang Kordero ng Diyos.[6][7]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C.. (2000). "Paskwa, Lucas 22:8". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., at batay din sa talababa 43 na nasa pahina 1515; at talababa 17 ng pahina 1473.
  2. "Luke 22:8 - Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)". http://adb.scripturetext.com/luke/22.htm. Hinango noong 6 Marso 2008. 
  3. "Hapunang Pampaskuwa", Lucas 22:8, Magandang Balita Biblia, Philippine Bible Society, addbible.com, 2005 ISBN 971-130-042-7
  4. 4.0 4.1 4.2 American Bible Society. (2009). "Passover; Word List". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York., pahina 134.
  5. 5.0 5.1 "Kordero, batang tupa". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990)., pahina 352.
  6. 6.0 6.1 6.2 The Committee on Bible Translation. (1984). "Passover, Lamb of God". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA., Dictionary/Concordance, pahina B6 at B8.
  7. Gaboy, Luciano L.. "Lamb of God, lamb". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.



Kristiyanismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Kristiyanismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.