Pumunta sa nilalaman

Abakada

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Abakadang Tagalog)

Ang Abakada ay ang isinakatutubong Alpabetong Latino ng mga wika ng Pilipinas. Ito rin ang orihinal na alpabeto ng Wikang Pambansa Batay sa Tagalog o Wikang Pambansa.[1] Ito ay naglalaman ng 20 titik.

Bago dumating ang mga Espanyol, ang karamihan ng mga wika ng Pilipinas ay sinusulat na gamit ang talapantigan ng Baybayin. Ang mga Espanyol ay ipinakilala ang Latin na Panitik sa Pilipinas. Noong unang kalahating bahagi ng ika-20 na siglo, ang mga Pilipinong wika ay sinusulat na gamit ang Palabaybayang Kastila (Ortograpiyang Espanyol). Si Dr. Jose Rizal ang unang nagmungkahi sa pag-indihenisado ng pagsulat sa Pilipinas.[2]

Noong ipinakilala ang Wikang Pambansa Batay sa Tagalog, ang mambabalarilang si Lope K. Santos ay gumawa ng bagong alpabeto na binubuo ng 20 na titik. Ito ay ginamit sa mga pamaaralang libro sa balarilang tinatawag na balarilà. Ang abakada ay naging alpabeto ng wikang Tagalog at ng Wikang Pambansa na Batay sa Tagalog ayon sa mungkahi ng pagsasakatutubo ni Rizal. Sinalaunan, ang abakada ay ginamit na rin sa mga ibang wika ng Pilipinas.

Ang mga titik ng Abakada

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Malalaking mga titik
A B K D E G H I L M N NG O P R S T U W Y
Maliliit na mga titik
a b k d e g h i l m n ng o p r s t u w y
Ang Tagalog na Pinitik ng Baybayin na nagpapakita ng mga titik na katulad sa 20 titik ng Abakada

Ang Abakada ay nakaayos ayon dito. Nandirito din ang mga pangalan ng bawat titik ay nasa loob ng mga panandang pambanggit.

A - "A"
B - "Ba"
K - "Ka"
D - "Da"
E - "E"
G - "Ga"
H - "Ha"
I - "I"
L - "La"
M - "Ma"
N - "Na"
NG -"Nga"
O - "O"
P - "Pa"
R - "Ra"
S - "Sa"
T - "Ta"
U - "U"
W - "Wa"
Y - "Ya"
  1. Mga Probisyong Pangwika sa Saligang-Batas
  2. "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2009-03-26. Nakuha noong 2008-09-15.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Kautusang Pangkagawaran Blg. 7