Pumunta sa nilalaman

Adonai

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Adon)

Sa Tekstong Masoretiko, ang pangalang YHWH ay ang tinuldukang pangngalan na יְהֹוָה, na binibigkas na parang YE-HO-VAH sa makabagong wikang Hebreo, at bilang Yəhōwāh sa bokalisasyong Tiberiano. Sa nakaugalian sa Hudaismo, ang pangalan ay hindi binibigkas subalit binabasa bilang Adonai ( /ˈædəˈn/) ("Maestro", "Panginoon", o "May-ari"; Adon kapag isahan[1]) habang nananalangin, at tinutukoy bilang HaShem ("ang Pangalan") sa lahat ng iba pang mga pagkakataon. Ginagawa ito dahil sa pagbabantulot na bigkasin ang pangalan saan man maliban na lamang ang habang nasa loob ng Templo ng Herusalem, dahil sa kabanalan nito. Ang ganitong tradisyon ay nabanggit ng karamihan sa mga dalub-agham bilang katibayan na ang pangngalang Masoretes na tinuldukang YHWH ay ginagawa lamang upang ipahiwatig sa mambabasa na dapat nilang bigkasin o sambitin ang "Adonai" bilang panghalili sa salitang ito. Habang ang mga tuldok ng pangngalan sa אֲדֹנָי (Aḏōnáy) at sa יְהֹוָה (Yəhōwāh) ay napakamagkahalintulad, na maaaring magpahiwatig ng pagtutuldok ng pangngalang Masoretiko ay kumakatawan o representasyon ng talagang pagbigkas sa pangalang YHWH ay hindi o hindi lamang isang pagpapahiwatig upang gumamit ng panghaliling pangalan (Qere-Ketiv).[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Adonai and Adonai Constructs given in the Tanakh, Hebrew Names for God, hebrew4christians.com
  2. Gordon, Nehemia. The Pronunciation of the Name Naka-arkibo 2011-07-26 sa Wayback Machine., karaite-korner.org

WikaHudaismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at Hudaismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.