Pumunta sa nilalaman

Agham panlupa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Agham Panlupa)

Ang agham panlupa (Ingles: soil science) ay ang pag-aaral ng lupa bilang isang likas na yaman na nasa ibabaw ng daigdig kasama ang pedohenesis o pamumuo ng lupa, klasipikasyon ng lupa at pagmamapa; mga pisikal, kimikal, biyolohikal, at pangkatabaang katangiang-angkin ng lupa; at ang ganitong mga katangian kaugnay ng paggamit at pamamahala ng mga lupa.[1] Kung minsan, ang mga katawagang tumutukoy sa mga sangay ng agham panlupa, na katulad ng pedolohiya (pormasyon, kimika, morpolohiya, at klasipikasyon ng lupa) at edapolohiya (impluwensiya ng lupa sa mga organismo, natatangi na ang mga halaman), ay ginagamit na para bang katulad o sinonimo sa agham panlupa. Ang dibersidad ng mga pangalan may kaugnayan sa disiplinang ito ay kaugnay sa samu't saring mga pagkakaugnay na tinutukoy. Sa katotohanan, nakapag-aambag sa pagdaragdag ng kaalamang panglupa at sa pagsulong ng mga agham panglupa ang mga inhinyero, agronomista, kimiko, silbikulturista, sanitaryano, arkeologo, at mga espesyalista sa pagpaplanong pangrehiyon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Jackson, J. A. (1997). Glossary of Geology (4. ed.). Alexandria, Virginia: American Geological Institute. p 604. ISBN 0922152349

Biyolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.