Pumunta sa nilalaman

Arkeolohiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Arkeologo)
Mga arkeologong nagtatrabaho sa hukay ng Gran Dolina, sa Atapuerca, Espanya.

Ang arkeolohiya ay ang pag-aaral sa mga kailangán ng tao sa pamamagitan ng pagbawi, pagdukumento at pagsusuri ng mga materyal na labi, kabilang ang arkitektura, mga artipakto, mga biofact, labi ng mga tao, at mga tanawin. Ang pagbibigay linaw sa kasaysayan, bago pa ang kasaysayan, pag-aasal at ebolusyong kultural ng tao ang layunin ng arkeolohiya. Ito lamang ang disiplina na nagtataglay ng kaparaanan at teoriya para sa pagtipon at pagpapaliwanag ng impormasyon tungkol sa nakaraan ng tao bago pa na may nasusulat na kasaysayan, at maari din gumawa ng isang kritikal na alay sa ating pagkaunawa sa mga nadukumentong lipunan. Napupunan ng ibang larangan sa antropolohiya ang mga natuklasan ng arkeolohiya, lalo na ang antropolohiyang kultural (na pinag-aaralan ang kaugalian, masimblo, at mga materyal na kasukatan ng kultura) at antropolohiyang pisikal (na kabilang ang pag-aaral ng ebolusyon ng tao at osteolohiya). Pinupunan din ng ibang disiplina ang arkeolohiya, katulad ng paleontolohiya (ang pag-aaral ng buhay bago pa ang kasaysayan), kabilang ang paleosoolohiya at paleobotanika, heograpiya, heolohiya, kasaysayan, kasaysayan ng sining, at klasiko.

Isinalarawan ang arkeolohiya bilang isang paglikha (craft) na tinatatala ang agham upang liwanagin ang araling pangtao (humanities).

Nilalapit ng arkeolohiya ang pagkaunawa sa mga nawalang kultura at mga tahimik na aspeto ng kasaysayan ng tao na walang palugit.

Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.