Pumunta sa nilalaman

Agnostisismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang agnostisismo (Griyego: α- a-, may ibig sabihing wala(ng) + γνώσις gnōsis, nangangahulugang kaalaman, kaya't "walang kaalaman" kapag nabuo ang parirala o salita; pagkaraan ng nostisismo) ay isang uri ng paniniwalang pangpananampalataya hinggil sa pagkakaroon ng Diyos o ng mga diyos. Isa itong paniniwalang nagsasaad na nababatay lamang ang kabatiran o kaalaman sa nakikita o naoobserbahan. Isa rin itong teoriyang hindi tumatangging may Diyos subalit naglalahad na imposibleng makilala ang Diyos o ang mga diyos.[1] May ilang mga taong tumatawag sa kanilang mga sarili bilang mga agnostiko ang nagsasabing hindi maaari o di posibleng mapatunayan kung mayroon o walang Diyos o mga diyos sa uniberso. Ngunit may mga agnostikong nagsasabing natatanging hindi sila sigurado o hindi sila nakatitiyak kung mayroon nga o wala ngang Diyos o mga diyos.

Sa katunayan, maraming iba't ibang mga uri ng agnostisismo.

  • Agnostismong absoluto (agnostisismong matigas, saradong agnostismo, agnostisismong matigas, agnostisismong malakas), isang paniniwalang nagsasabing imposibleng mapatotohanan kung mayroon o walang Diyos o mga diyos.
  • Agnostisimong empirikal ('agnostisismong malambot, agnostisismong bukas, mahinang agnostisismo, agnostisismong temporal), isang paniniwalang walang sinumang nakakaalam sa ngayon kung umiiral o hindi ang Diyos o mga diyos, ngunit maaaring matagpuan ito sa hinaharap.
  • Agnostismong apatetiko, isang paniniwalang nagsasabing hindi mahalaga kung umiiral nga ba o hindi ang Diyos o mga diyos.

Kung minsan, ikinalilito ng mga tao ang agnotisismo sa iba pang mga paniniwala, katulad ng ateismo. Magkaiba ang mga ito, dahil talagang naniniwala ang mga ateistang walang Diyos o mga diyos; samantala, payak na naniniwala ang mga agnostiko na hindi talaga sila sigurado hinggil sa Diyos o mga diyos, o nag-iisip silang hindi talaga sila nakatitiyak kung malalaman ito o hindi.

Mga paniniwalang kaugnay ng agnostisismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Ignostisismo, ang paniniwala na ang ideya ng Diyos o mga diyos ay walang sapat na paglalarawan o depinisyon, kaya't walang kahulugan ang pagsasabi ng "umiiral ang Diyos" (may Diyos) o "hindi umiiral ang Diyos" (walang Diyos). May ilang mga taong nag-iisip na isang uri ng agnostisismo ang ignostisismo. May ilan namang mga taong umiisip na isa itong uri ng ateismo. At may ilan pa ring kaiba ito sa dalawang ito.
  • Agnostikong teismo, isang paniniwala ng mga taong mayroon ngang Diyos o mga diyos subalit hindi sila talaga nakakatiyak.
  • Agnostikong ateismo, isang kawalan ng paniniwala sa mga pag-iral ng anumang diyos, ngunit hinuha nila na ang pagkakaroon ng isang banal na entidad o mga entidad ay maaaring hindi nalalaman alinman sa saligan o sa kasalukuyang katotohanan.
  • Post-teismo, isang pananaw na dating mahalaga ang relihiyon o pananampalataya, subalit hindi na ito importante ngayon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Agnoticism, agnostisismo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

PilosopiyaPananampalataya Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilosopiya at Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.