Pumunta sa nilalaman

Aicelle Santos

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Aicelle Santos
Kapanganakan24 Pebrero 1985
  • (Kalakhang Maynila, Pilipinas)
MamamayanPilipinas
NagtaposPamantasan ng Lungsod ng Maynila
Trabahomang-aawit

Si Aicelle Santos (ipinanganak 24 Pebrero 1985) ay isang Pilipinang mang-aawit na nakilala sa patimpalak na Pinoy Pop Superstar. Siya ay nanalo rin sa mga roadshows na ginawa niya kasama ng ibang kalahok sa mga lalawigan ng Baguio, Davao, Iloilo, Cebu at Maynila. Siya ay itinanghal na pangalawang pinakamagaling sa ikalawang taon ng Pinoy Pop Superstar ayon sa mga hurado. Si Aicelle ay naging pinuno ng Sangguniang Kabataan sa kanilang lugar sa Sampaloc, Maynila. Siya ay nag aaral ng kursong sikolohiya sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Marunong din siyang tumugtog ng gitara at piyano. Sa kasalukuyan siya ay regular na napapanood sa telebisyon, sa mga programang SOP, at Sis. Siya ay nagtanghal na rin sa mga programang Mastershowman, Extra Challenge, ILNY, Pinoy Pop Superstar, Unang Hirit, Art Angel, K! the 1 million Videoke challenge, Mel & Joey at marami pang iba.

Siya ay kinilala ng Aliw Awards bilang nominado sa kategoryang "Best New Female Artist"' sa taong 2006. Si Aicelle din ay napiling kinatawan ng Pilipinas sa "Astana International Contest of Kazakh Song" 2006 na ginanap sa bansang Kazakhstan kung saan siya ang nag uwi ng karangalang "Best Performance of Own Country's song".

Panlabas na Kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]


PilipinasArtista Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.