Aioi, Hyōgo
Aioi 相生市 | |||
---|---|---|---|
![]() Tanawin ng lungsod ng Aioi | |||
| |||
![]() Kinaroroonan ng Aioi sa Prepektura ng Hyōgo | |||
Mga koordinado: 34°48′N 134°28′E / 34.800°N 134.467°E | |||
Bansa | Hapon | ||
Rehiyon | Kansai | ||
Prepektura | Hyōgo | ||
Pamahalaan | |||
• Alkalde | Yoshiki Taniguchi (mula noong Mayo 2000) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 90.40 km2 (34.90 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (Mayo 31, 2022) | |||
• Kabuuan | 28,208 | ||
• Kapal | 310/km2 (810/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+09:00 (JST) | ||
Kinaroroonan ng gusaling panlungsod | 1-1-3 Asahi, Aioi-shi, Hyōgo-ken 678-8585 | ||
Websayt | Opisyal na website |
Ang Aioi (相生市 Aioi-shi) ay isang lungsod sa Prepektura ng Hyōgo, Hapon. Magmula noong 31 Mayo 2022[update], may tinatayang populasyon na 28,208 sa 13,143 mga kabahayan ang lungsod, at mayroon itong kapal ng populasyon na 310 katao sa bawat kilometro kuwadrado.[1] Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 90.4 square kilometre (34.9 mi kuw).
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matatagpuan ang Aioi sa timog-kanlurang bahagi ng Prepektura ng Hyōgo, at umaabot pahilaga mula timog ang nasasakupan nito. Mabundok ang hilagang bahagi ng lungsod, habang nakaharap sa Panloob na Dagat ng Seto ang katimugang bahagi. Ang lugar ng gitna ng lungsod ay isang kuwengkang napalilibutan ng maliliit na mga bundok, kalakip ang Bundok Minosan sa hilaga, Bundok Tengadai sa silangan, at Bundok Miya sa kanluran.
Mga karatig-munisipalidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Prepektura ng Hyōgo
Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[2] hindi gaanong nagbago ang paglaki ng populasyon ng Aioi sa nakalipas na 70 mga taon.
Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1950 | 35,894 | — |
1960 | 36,521 | +1.7% |
1970 | 40,657 | +11.3% |
1980 | 41,498 | +2.1% |
1990 | 36,871 | −11.1% |
2000 | 34,320 | −6.9% |
2010 | 31,171 | −9.2% |

Ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Karaniwang nakikilala ang Aioi sa pagbabarko na may malakas na presensiya sa pamamagitan ng Ishikawajima-Harima Heavy Industries (IHI) sa kabila ng maraming taon ng pagbulusok ng nabanggit na industriya. Unti-unting nagiging isang pamayanan ng mga naninirahan ang lungsod, na 25.0% ng mga lumuluwas para magtrabaho ay papuntang Tatsuno o Himeji ayon sa senso noong 2010.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Aioi city official statistics" (sa wikang Hapones). Japan.
- ↑ Hyōgo population statistics
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na websayt ng Lungsod ng Aioi (sa Hapon)
- Kasaysayan ng mga karerahan ng bangkang dragon (sa Hapon)
Gabay panlakbay sa Aioi, Hyōgo mula sa Wikivoyage